January 9

Start From Home

0  comments

2014, wala rin akong income nun. Nag-resign kasi ako sa trabaho at nag-full time muna sa Friggies, yung juice startup company na sinimulan namin. Ang hirap, gipitan. Wala kasi gaanong customer.

Sa madaling sabi, naging tambay ako. Walang pera. Pero ang meron ako, ideas. Meron rin akong laptop. Kaya naisip ko nun sumulat ng libro para makatulong sa credibility ng Friggies. Yung time of loss naging time of opportunity.

Nagamit ko yung tambay days para makapagsulat. September 2014 hanggang May 2015 ako nagsulat. March 2016, na-publish yung libro. Ang title, The Path to Awesomeness.

2016, wala pa ring income. Nagka-utang pa ‘ko kasi malaki yung nagastos para ma-self-publish yung libro. Walang pera. Pero ang meron ako, 30 poems. Meron rin akong laptop. Kaya naisip ko nun sumulat pa ng 70 poems para pag naka-100, pwede nang maging libro. Yung time of loss naging time of opportunity.

March 2016 hanggang June 2016 ako nagsulat. June 2016 rin na-publish yung libro. Ang title, One Whole Naked Me.

2017, wala pa ring income. Utang pa more! Buti, may mga kaibigan akong nalapitan. Pero yung bangko, walang kaibi-kaibigan. Ang meron sila, interest. Ayun, lumobo sa almost P90,000. At pag ‘di mo yun nababayaran, magkakaron ka ng mga bagong kaibigan — mga staff nung law firm na madalas kang pupuntahan sa bahay. In fairness, mabait naman sila. Kaso ang kuleeeeet! Text nang text, tawag nang tawag. Padadalhan ka pa ng love letter:

start from home

Maliit na halaga, pero pag wala kang pera, kahit Php 100 lang malaki na.

Walang pambayad. Parang yung sa commercial lang ng Selecta: Hanggang saan aabot ang P100 pesos ko? Pero ang meron ako, mga kwento nung kabataan ko, dekada 90’s. Meron rin akong laptop. Sinimulan ko ulit magsulat nung June 2017. Yun ang pinaka-naenjoy kong pagsusulat kasi para akong naglalaro ulit.

Dun ko napatunayan na pwede ka pa rin palang maging masaya kahit wala kang pera, kahit anong problema ang kinakaharap mo.

September 2017, nakabalik ako ng trabaho. Whoooo, thank you, Lord! At pagdating ng June 2019, after 2 years, na-publish ang Ganito Kami Noon. Whoooo, thank you, Loooord!

RESTART

Maraming tao ngayon sa buong mundo, kasama na mga kapwa nating Pinoy, ang dumaranas ng napagdaanan ko dati. Naiintindihan ko sila. Hindi biro ang financial crisis. Para kang nasa stage ng Contra na hindi mo malampasan. Kingina! 3 years ako sa stage na yun...

contra up up down down

Up Up – Down Down – Left Right – Left Right – B A – Select – Start

Dun ko na-gets yung quote na “The days are long but the years are short.” Pag nasa crisis ka, pakiramdam mo ang bagal ng oras. At buong araw kang uusigin ng kalooban mo. Tapos, kinabukasan ganun ulit. Nakakapagod, nakaka-drain ng energy, nakakababa ng self-esteem. At dun ka na kakatukin ng depression. “Hello, anong ginagawa mo dito?”

Nung narinig ko yan, ito ang narinig kong sagot: Dito ako magsisimula.

Rock bottom is not the end. It is where you start, again.

Up Up – Down Down – Left Right – Left Right – B A – Select – START

Tuwing babagsak ka at inuusig ka ng kalooban mo, lagi ka lang makikinig sa sagot ng puso mo:

Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.

Sige lang, may 30 lives ka!

Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.

Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.

Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.

Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.

Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit.
Dito ako magsisimula, ulit...

Tuloy lang, hanggang sa yung depression maging expression. Expression kung sino ka talaga at kung anong kaya mong gawin!

‘Di ba nga, ang bida, nagpapabugbog muna sa umpisa? Mga 3 years ka nga lang bubugbugin... Pero kaya mo yan, Cardo! Kinakaya mo na nga e, oh! At mas kakayanin mo pa. Temporary lang ang stage na ‘to, promise! Malalampasan mo rin yan.

At pagdating mo sa 29 lives, mag-restart ka lang. Hindi ka nawawalan ng chance para magsimulang muli.

Simulan mo sa kung nasan ka ngayon.

Simulan mo sa kung anong kaya mong gawin.

Simulan mo sa kung anong meron ka — ang sarili mo.

Dito ka magsisimula, ulit.


HAPPY NEW YOU!

Fred


PS: Baka may kilala kang Cardo, paki-share na lang ‘to sa kanya, salamat... Ang cute mo talaga!

live love laugh ebook pack
{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tags

empowerment, happy new you


You may also like

>
Mabuhay!

Mabuhay!

Fred here :) Sign up to receive
more inspiring articles from me.

Thank you! :) Please check your e-mail.