Happy new year!
Eto mas maganda: Happy New YOU!
Siguro marami ka ring inaasam na pagbabago sa buhay mo. Sa career, sa health, sa finances, pati na rin sa relationship status. Kahit hindi ka gumawa ng listahan, malamang meron kang new year’s resolution sa isip mo. Ayos yan! Change is good.
Pero imbes na new year’s resolution, hindi ba mas okay yung New YOU’s Resolution? At least yan, walang limit. Kung gusto mong magpapayat, kahit sa December ka pa magsimulang mag-exercise, pwede. No pressures.
Sa New YOU’s Resolution, pwede kang magsimula anytime. Kahit mabagal yung maging progress mo, okay lang, kasi slow progress is still progress. Hindi naman kasi kailangan maging mahirap ang pagbabago. Hindi kailangang madaliin, alalay lang. Kahit nga yung abs ko, paisa-isa lang per year...
At isang bagay lang rin ang wish ko for your New YOU’s Resolution:
Ang matutunan mong mahalin ang iyong sarili.
Dahil lahat ng inaasam mong pagbabago ay dyan nagsisimula at dyan nakasalalay – sa self-love.
Eto ang ilan lang sa mga naka-fall in line kapag ikaw ang unang ma-fall in love sa sarili mo:
Authenticity
Spell authenticity: B – U (Be you)
Kapag love mo ang sarili mo, matatanggap mo yung pagkatao mo nang buong-buo. Na hindi ka perpekto. At kahit anuman ang sabihin ng ibang tao, compliment man o criticism, hindi ka na masyadong affected kasi hindi mo na hinuhusgahan ang sarili mo.
Health
Hindi pills, hindi weight loss program, hindi strict diet ang magpapa-healthy sa’yo, kundi self-love.
In the first place, kaya nga nagkakasakit ang mga tao dahil sa kakulangan ng pagmamahal sa sarili. Nararamdaman yun ng mga cells natin sa katawan. Dahil ang love ay parang oxygen. Hindi pwedeng hindi tayo hihinga. Pero parang pinipigilan nating huminga kapag hindi natin minamahal ang ating sarili.
Kung may sakit ka, wag mong labanan yung sakit, kasi parang nilalabanan mo rin yung sarili mo. Ganun rin kung nagpapapayat ka, hindi mo kailangang magdusa.
Alam na ng katawan mo ang kailangan nitong gawin. Kailangan mo lang itong mahalin.
WARNING: May side-effect nga pala ang self-love. Nakaka-sexy yun!
Success
Ano ang ginagawa ng taong may love sa sarili? Yung love niya ring gawin.
Syempre, kung love niya yun gawin, malamang uulit-uulitin niya rin yun. Oh, hindi ba yun ang ibig sabihin ng hard work? Success is what we repeatedly do.
At kung pumalya ka man, yung pagmamahal mo sa sarili ang sasalo sa’yo. Yun rin ang magiging puhunan mo para makabangon muli at maging successful.
Relationship
We are either in love or in need.
Kaso ang uso pa ngayon sa karamihan ay yung relationship na based on need. Need na mistaken for love. Eto yung codependent type of relationship. “I need you because I love you.” Hindi yun love, need yun.
Ibang-iba ‘to sa relationship na based on love. True love na hindi base sa mga ideas natin, o sa mga napapanood nating telenovela at pelikula. Eto yung independent type. “I love you but I don’t need you.” At mangyayari lang yun kung napupunan natin sa ating sarili yung love at happiness na inaakala natin ay manggagaling sa iba.
Sa mga single: love yourself first, para ma-recognize mo pag dumating na yung right partner for you. Dahil yun ang real meaning of true love, the recognition of yourself in another.
Sa mga double: love yourself also. Kapag hindi kayo needy, your partner will feel free. And that freedom will bring you closer to each other. Yung relationship nyo will help you both grow as separate individuals, while you become inseparable as a couple.
At hindi lang ‘to applicable sa lovelife mo, but also in all your relationships – sa family, sa friends, sa officemates, sa lahat. Bakit? Dahil ikaw ang source of love in your life.
Faith
Hulaan mo kung kanino ka mas magiging close kapag na-in love ka sa sarili mo?
Kay God.
#1 nga ‘to dapat sa list, pero okay lang kahit paminsan nakakaligtaan natin Siya. Kasi hindi rin needy si God. Because God is Love.
At habang natututunan mong mahalin ang iyong sarili, mas makikilala mo rin nang lubusan si God at yung unconditional love Niya para sa’yo. Mararamdaman mo yun through your personal experience when you start loving yourself.
Happiness
Kapag sinimulan mong mahalin ang iyong sarili, sinisimulan mo na rin ang iyong happiness na walang katapusan.
Oo, walang limit ang happiness.
Yung mga worldly pleasures, ayos yan, kaso lahat yan may limit. Kahit makuha natin lahat – perfect partner, material riches, successful career, at kung anu-ano pa – kulang pa rin sila kung walang self-love.
Kung may self-love, yung mga worldly pleasures, maski na yung mga simpleng bagay, mas nagiging pleasurable. Kasi alam mo na sa sarili mo na may limit lang sila, kaya na-eenjoy mo sila while you can. At yung joy na nararamdaman mo ay hindi nanggagaling sa kanila, kundi sa’yo.
Habang natututunan mong mahalin ang iyong sarili, natututunan mo na ring mahalin ang lahat.
Dyan magsisimula ang tunay na pagbabago.
Happy New YOUUUU!!!
LIVE. LOVE. LAUGH!
Fred
Sign up to subscribe to my blog:
PS: Salamat sa pagbabasa. Kung na-enjoy mo 'to, magugustuhan mo rin yung aking libro na Ganito Kami Noon, na kasama sa LiveLoveLaugh eBook pack.