Alam mo ba yung lumang kanta na "Napakasakit, Kuya Eddie"? Dyan ko nakuha yung idea para sa #DearKyahFreddie

Nagsimula 'to nung may nag-comment ng tanong sa isang Instagram quote post ko. Tapos nag-comment back ako. Iniscreenshot ko tapos shnare ko sa personal page ko...

dear kyah freddie

Andaming naka-relate... Mga 117 sila.

Kaya eto, kinareer ko na. Gumawa ako ng dedicated page dito sa website para sa mga nais dumulog, humingi ng advice, o gusto lang may masabihan ng kanyang pinagdaraanan. Nandito ako handang makinig.

Pag wala ako dito, pwede mo rin akong i-chat sa aking FB page. Nag-rereply din ako agad-agad. Bigyan mo lang ako ng mga at least 1 week to gather my thoughts...

Joke lang! Magre-reply ako as soon as I can.

Meanwhile, pwede mo ring i-browse yung #DearKyahFreddie collection sa Facebook, na makikita mo rin sa gallery below. Baka maka-relate ka sa kanila.

O, ikaw... Ano bang gusto mong ikwento? Share mo lang by filling up the form below. And don't cha worry, your secrets are safe with me... Kahit nga yung girlfriend ko, hindi niya pa alam na girlfriend ko siya...

Kaya feel free to share anything, GO!

DearKyahFreddie

>