
“When the student is ready, the teacher appears.”
Nung time na nagpapagaling ako after mawala ni Papa nung November 2012 dahil sa cancer, isa sa mga pinagkukunan ko ng guidance ay mga libro, karamihan spiritual books.
At madalas kong nababasang binabanggit ng mga authors yung A Course in Miracles (ACIM). Kinukwento nila kung paano nabago yung buhay nila dahil dun. Kaya gusto ko rin siyang mabasa.
Kaso hindi siya available dito sa Pilipinas. Hindi ko naman trip yung e-book at may kamahalan rin. Kapos pa ‘ko nun sa budget.
But if there’s a will, there’s a way! At yung libro na mismo ang humanap ng way para sa ‘kin nung 2015.
Nung isang beses na pumunta ako sa Booksale shop (wala na ngayon) sa SM Novaliches, dun sa middle shelf ng religious section, napansin ko yung naka-display na makapal na blue book…

“Ay syet, syet, syet… A Course in Miracles!!!” sumisigaw ako sa isip ko.
Ini-scan ko agad yung libro habang kinikilabutan pa, “Oh my… eto nga yun..,” sabi ko sa sarili ko.
Kinuha ko na yung libro at pumunta sa cashier. Pero nagtataka pa rin ako kung paano yun napunta dun… it’s a miracle!
WTF?!
Na-excite ako masyado, kaya pag-uwi ng bahay, sinimulan ko nang basahin agad yung libro…
Dun sa mga unahang pages nakasulat kung tungkol saan yung A Course in Miracles. Isang psychologist at educator na si Helen Schucman yung writer, pero yung message na nakasulat ay hindi galing sa kanya…
Galing kay Jesus.
Hindi ‘to derechong nabanggit sa libro pero mas madali kasi yung mga discussions kung may reference point tayo. Yung A Course in Miracles ay channeled teachings ni Jesus.
Hindi ko mapapatunayan sa’yo kung legit ba ‘to o hindi. Hindi mo rin kailangang maniwala.
Sinasabi ko lang na hindi manggagaling sa ordinaryong tao na may ordinaryong kaisipan yung mga messages sa libro. Alam mong galing sila sa higher consciousness.
Sample, ang sabi sa intro ng A Course in Miracles ay:
Nothing real can be threatened.
Nothing unreal exists.
Herein lies the peace of God. (ACIM, Preface)
Oh ‘di ba, preface pa lang, pang-malakasan na. Hindi madali ang A Course in Miracles. Hindi mo siya ma-gegets on an intellectual level.
Yun ay dahil designed siya that way. New thought system siya designed to work on a subconscious level dahil nandun yung error na kinokorek niya.
Kumbaga sa computer, bagong operating system (OS) siya. Ang naka-install kasi sa atin ay fear OS. Ang ginagawa ng A Course in Miracles ay ina-uninstall yung fear OS at pinapagana yung built-in OS natin – Love OS.
Self-Study Group
Kaya naman na-inspire akong gawin ‘tong self-study course ng ACIM as a group kasama ka. Gusto kong i-share yung mga reflections ko gamit ang layman’s terms at Taglish language para mas maka-relate ka.
Although it’s “my reflections,” yung lessons ay magiging personal para sa’yo, at para sa’yo lamang.
“Self-study,” kasi ang aaralin natin dito ay ating sarili. Dalawang “self” ang pag-uusapan natin: false self at true self. Yung false self na running on fear OS at yung true self na running on Love OS.
Madalas rin tayong gagamit ng Bible terms for reference purposes. At madalas, opposing views sila. Hindi mo kailangang maniwala sa tinuturo ng course. Hindi mo rin kailangang mag-agree sa mga sinishare ko.
Ang hihingin ko lang sa’yo ay bukas na pag-iisip. At tulad ng hihingin sa’yo ng A Course in Miracles, “a little willingness” – kahit konting pagtingin… yung manggagaling sa’yo... ay sapat na.
What to Expect
Foundation for Inner Peace, exactly yung subtitle ng A Course in Miracles.
Hindi niya mabibigay yung inner peace. Hindi niya mabibigay ang isang bagay na nasa ‘yo na.
Ang mabibigay niya sa’yo ay foundation – matibay na pundasyon. “Built on solid rock,” sabi nga sa parable ni Jesus.
At yun yung inner peace na magiging permanente na sa buhay mo sa mundong temporary lang ang lahat.
Inner peace, and then everything else will follow.
Gaano katagal? Yung course kasi ay binubuo ng 3 major parts: Text, Workbook for Students, at Manual for Teachers. Dun tayo sa Text part mag-fo-focus, kasi naka-depende dun yung Workbook at Manual, which is pwede mo nang gawin on your own later on.
At yun din naman talaga ang ultimate objective natin, “self-study.”
Ako, sinimulan ko yung course nung late 2015 tapos sometime in 2016 ko na siya natapos nang buo. Sa Workbook pa lang kasi, at least 1 year na gugugulin mo kasi 1 lesson per day, e 365 lessons yun.
Kaya malaki naging impluwensiya ng A Course in Miracles nung naisulat ko yung 1st book ko, The Path to Awesomeness.
At hindi lang sa pagsusulat, kundi sa buong buhay ko. Nung una, ‘di ko pa gaanong maappreciate yung mga ACIM lessons. Sa totoo lang, hindi ko siya maabsorb dati. Kailangan talaga ma-apply mo muna siya at ma-practice mo yung tinuturo niya bago mo siya maintindihan.
Gradually, over time, mag-sisink in na yung ACIM sa’yo. At dun mo mararamdaman yung “peace that surpasses all understanding,” kasi isinasabuhay mo na siya.
Hindi niya babaguhin ang buhay mo. Ikaw ang babaguhin niya – yung pakikitungo mo sa buhay dito sa mundo.
At yung mundo, i-rereflect niya rin yun sa’yo sa mga magagandang pagbabagong mangyayari sa buhay mo.
Akala mo magic, pero hindi… It’s a miracle!
“There are only two ways to live your life. One is as though nothing is a miracle. The other is as though everything is a miracle.” – Albert Einstein
At yung A Course in Miracles ang nakatulong sa ‘kin to see the miracle in everything.
Recommendations
So, para maging mas epektib yung self-study natin at maranasan mo yung miracle, may suggestion akong dagdag na mga practice:
- Meditation – para magkaroon ka ng bukas na pag-iisip, gaya nga ng nasabi ko kanina. Check mo ‘tong sinulat kong article about meditation para malaman mo kung paano. 5-10mins a day lang, okay na. Pagkagising o bago matulog, or parehas para mas okay. Basta maglaan ka ng quiet time everyday.
- Journaling – para masulat mo yung sarili mong reflections. Epektib na tool rin ‘to para mas ma-process mo yung thoughts mo. Ordinaryong notebook lang at ballpen, okay na. ‘Kaw na bahala kung gusto mo color fink pa yung ballpen na gagamitin mo with matching orange na highlighter.
Oh ‘di ba, para ka talagang student na nagte-take ng course. At yun naman talaga ang A Course in Miracles.
How to Join
Join our Facebook group here >>
And sign-up below para ma-receive mo yung mga lessons straight sa e-mail mo. At most, 2x a week.
Maraming salamat…
Mabuhay ka!
LIVE. LOVE. LAUGH!
Fred