Hello, Fred here :)
Thank you for visiting my page.
Ako nga pala si Fred (or Peds), born 1984 sa Laguna, kung saan rin ako lumaki. Kaya nagta-Tagalog pa rin ako sa mga sulat ko. Meron ring purong English, tulad ng mga sulat kong poems at mga website articles. Pero otherwise Taglish, kasi mas na-eexpress ko yung sarili ko in that way.
I wish for this page to be about you, too. Pero share ko muna sa’yo yung higlights ng buhay ko (so far), para naman... wala lang!
Ready ka na ba sa kakulitan ko??
1984 - 2001 - Buhay Promdi. Yup, batang 90’s rin ako. Nasa Ganito Kami Noon na libro yung buong kwento ko. At kung ka-dekada kita, yung kwento natin.
2001 - 2006 - Buhay Maynila. Buhay isko sa PUP Sta. Mesa. Gumraduate ng BS ECE at naging ganap na Engineer sa parehas na taon. (Hindi na ‘ko nakapag-renew ng license mula nun)
December 2007 - Nagkasakit ako sa thyroid, almost 5 years akong nag-gamot (conventional >> complementary >> alternative)
November 2012 - Pumanaw si Papa dahil sa stomach cancer...
late 2012 - Darkest moments in my life (sick, depressed, broke, heartbroken, enraged, lost direction, gave up on life... tanong ko rin noon, “May reason pa ba para mabuhay?”)
Then, a miracle... (no, hindi siya sa Cell no. 7... sa Sun Cellular 6th floor siya sa office namen sa Boni. Nakasulat yung miracle sa The Path to Awesomeness at dun rin galing yung "ulam" question sa Ganito Kami Noon na book. )
Okay, emote na ulit tayo...
...
True healing started.
January 2013 - Umattend ako ng Awaken the Healer in You seminar ni Brother Bo Sanchez sa Bayanihan Center sa Boni with 3 agendas:
1 - learn more about natural healing
2 - ibigay yung personal letter ko kay Bro. Bo
3 - mamigay ng flyers ng Barley drink (networking, POWER!) ... failed endeavor.
O sige, 4 agendas na pala.
4 - mag-selfie with Bro. Bo (‘di ko na makita yung pic)
Eto na lang:
A few weeks later...
Na-fall ata si Bro. Bo sa love letter ko, nag-email siya sa 'kin pagkatapos...
Edi sulat naman ako. Na-publish, ayos! Lalawak na network ko, POWER! ... failed pa rin.
June 2014 - driven by the same advocacy, fueled by grit and relentless passion (charot! gusto ko lang talagang mag-resign na nun kasi nalipat na ng Paranaque yung Sun Cell, layo!), officially nag-start yung Friggies, yung juice company na tatalo sana sa Starbucks...
...tapos nag-stop rin siya... another failed endeavor.
But wait, there's more!
The ashes of Friggies (o ha, "ashes") rose into something, an alchemy of sorts if you will (aaaaaaah, ganda pakinggan no? ‘Di ko alam ibig sabihin nyan). Basta, nasa soul-searching stage na ako nyan...
Dyan na ako nag-start magsulat nung The Path to Awesomeness book (walang customer eh!) Took 8 months to finish. Tapos, sulat-sulat na rin ng mga poems (wala talagang customer eh!)
At unti-unti na rin naubos ang aking savings at nabaon ako sa utang.
2016 - Financial crisis. Sobrang na-depressed si Manuel Roxas sa wallet ko, tagal niyang walang kasama for the longest time.
February 2017 - Pumanaw na rin si Duke, golden retriever namin for 4 years. His last 2 years have been tough, nagkasakit rin kasi siya, parang nerve damage. Na-paralyze yung hind legs niya at naging involuntary yung pag-wiwi at pag-pupu niya. But he was able to recover after many trips to therapy. Nagamit niya ulit legs niya, although limping. Pero hindi nagbago yung zest niya for life. It seemed like his injury didn’t matter to him at all. Siya yung aso, pero parang siya yung naging master ko. Marami siyang tinuro sa ‘kin. Angel ang turing ko sa kanya. He was there with me nung “napilayan” rin ako. Ipinakita niya sa ‘kin kung paano bumangon ulit at magpatuloy sa buhay.
March 2017 - Dumating naman si Scout, golden retriever rin. Angel na rin namin siya ngayon. Ganito yung kwento namin >>
June 2017 - Nasimulan kong isulat yung Ganito Kami Noon. Mababasa mo dito sa intro si Scout, pa-bida talaga!
September 2017 - Nakabalik ako ng trabaho... Unti-unting nakabawi..
December 31, 2019 - Masaya na ulit si Roxas!!!!!! Dumarami na ulit friends nyaaaa...
Today - Nakilala kita...
At dyan po nagtatapos ang aking introduction...
MAIN MESSAGE
Hindi mahalaga yung dates. Ang mahalaga yung dash.
Sabi ni Les Brown, "The graveyard is the richest place on earth, because it is here that you will find all the hopes and dreams that were never fulfilled, the books that were never written, the songs that were never sung, the inventions that were never shared, the cures that were never discovered, all because someone was too afraid to take that first step, keep with the problem, or determined to carry out their dream."
19xx - present
Ang liit nung dash no? Kaya madalas nababalewala.
Life, all of life, is a blessing.
People don't realize how blessed they are until the blessing is gone.
"For what it’s worth... it’s never too late, or in my case too early, to be whoever you want to be. There’s no time limit. Start whenever you want. You can change or stay the same. There are no rules to this thing. We can make the best or the worst of it. I hope you make the best of it. I hope you see things that startle you. I hope you feel things you’ve never felt before. I hope you meet people who have a different point of view. I hope you live a life you’re proud of, and if you’re not, I hope you have the courage to start over again." - F. Scott Fitzgerald
Start by loving yourself. That is how you heal.
Eventually, everything else will fall into place, including you.
This is my story, so far...
Author ka rin ng buhay mo.
At pwede kang magsimulang muli.
2020 - xxxx
Hindi mahalaga yung dates. Ang mahalaga yung dash.
LIVE. LOVE. LAUGH!
Fred
PS: At eto na nga. Speaking of starting over again (Ako talaga dapat magsusulat nun eh, F. Espiritu. Gaya-gaya 'tong si F. Fitzgerald!)...
September 30, 2023 - Nakalipat na kami sa aming new house sa San Pedro, Lagunaaa! New house, new life!
Exciting talaga ang ikot ng buhay, no? Umiikot pala talaga siya... Ipinanganak at lumaki ako sa Laguna, tapos napalipat kami sa Quezon City at nanirahan dun. Tapos, after almost 20 years, balik ulit kami sa Laguna.
Ikot-ikot lang...
At eto pa ha. 'Di ba nagkasakit ako nung 2007? At mula nun e dun na umiikot ang mundo ko - sa healing.
Na tipong kahit anong landas ang tahakin ko, dun at dun pa rin ako dinadala ng tadhana... pabalik sa tawag ng aking puso - the calling of my soul. Kaya naman:
March 21, 2024 - Naging Certified Holistic Naturopathy Practitioner ako. Woohooo! Parang eto yung missing piece para "wholly" magampanan ko na yung mission ko sa buhay.
Kaya kung kailangan mo ng cute na Coach to guide and assist you in your healing, I'm just a call away. I-book mo na 'ko below...
But don't you dare fall in love with me, char!
At dyan nagtatapos ang aking kwento. Dito naman natin sisimulan yung kwento mo...
Tara, kwentuhan tayo! Schedule a FREE Call with me. :)