Relaaax... Yung Facebook app sa phone lang naman yung dinelete ko, hindi yung account ko. So, nakakapag-FB pa rin ako sa laptop from time to time.
Though na-entertain ko rin yung idea to delete my account kasi 2 options yung meron: deactivate or delete.
Delete, para fresh start sana sa pagpasok ng new year—"new you" ang peg, ganern. Tapos yung mga selected people na lang iinvite ko as friends. Hindi siguro lalagpas ng 50 people yun. Marami na yung 25.
The subtle art of unfriending na rin yun kapag delete account, 'di ba? Hindi masyadong mahahalata nung taong gusto mong i-unfriend na wala na sila sa buhay mo. Magugulat na lang sila after 3 months pagbalik mo from hiatus mode, "Oh, bakit nasa friend suggestion ko 'to? Friends na kami nito ah.."
'Di nila namalayan na ginamitan mo sila ng the subtle art of unfriending technique.
Pero mas naisip kong gawin yung Deactivate mode na lang para walang trust issues. Kaso malamang lang e matatanong ako, "Bakit ka nag-deactivate?" Nakakatamad mag-explain.
Kaya ang ending, delete Facebook app na lang sa phone. No harm done. Virtually existent pa rin yung profile ko, pero walang activity—ghost employee yarn?
E bakit nga ba gusto kong mang-ghost?...
Hindi ko na kasi ma-tolerate ang pagpapakitang-tao. At umabot na ako sa aking tipping point...na na-trigger ng isang insidente.
After nung incident, I felt out of place sa mundong 'to. Actually, matagal na naman akong feeling OP, nagpapanggap lang ako—pakitang-tao rin pala si kuya!
Ayun, all of a sudden, gusto kong i-deactivate yung FB account ko. Ayoko nang mag-participate sa Facebook, na best social media platform para magpakitang-tao.
Delete Facebook app... Deactivate Instagram account... Delete Twitter (X) account... Delete TikTok app... Ayawan na.
Ay, wait, reactivate IG account. Gamitin ko pala 'to para makapag-share ng mga pic quotes.
Pakitang-taoism: Posting kung ano yung gustong makita ng mga tao, so they will be perceived in a certain way, mainly for attention and validation. People show an image of who they are not, rather than the person they truly are, out of fear of judgment and rejection.
Gusto ko authenticity, real connection—tulad nung mga panahong nagsusulatan kami ni Janice nung highschool.
Sa sulat, hindi mo mapepeke ang ngiti. Masasabi mo ang mga gusto mong sabihin, yung tunay mong nararamdaman.
At yan naman ang isang magandang dulot sa'kin ng pag delete ng Facebook app. Nakabalik ako sa bagay na love kong gawin: ang pagsusulat.
Disconnected man ako ngayon from Facebook, feeling ko mas nakaka-connect ako sa pagsusulat.
Kung nababasa mo 'to, salamat...
Ikaw ba, anong bagay o gawain ang nagbibigay sa'yo ng sense of connection? Feel free lang to share sa comments section.
And let's stay connected. Pwede kang mag-sign up sa baba para masulatan kita through e-mail.


isang kamusta lang pare. solb na. – Jei
Yown!