October 26

I Will Be Here, Ja

2  comments

10/26/2025

Hello Janice,

Tanda mo pa ba ‘tong unang sulat mo sa’kin? 10/26/99. Exactly 26 years ago… Uhmm, anong meron sa 26? Curious lang ako, kasi kung ‘di mo natatanong e perfect din ako sa Algebra. Math wizard kasi yung katabi ko. Kaya ayun, parehas kami ng score.

Anyway! Back to topic…

Sabi mo sa graduation letter mo sa’kin: “FRIENDS FOREVER” walang iwanan. Mula nun, Ja, naniwala na ‘ko sa forever. ‘Di ba walang iwanan dapat? Bakit ganun, Ja… Tapos hindi ka pa nagpaalam.

Nung isang araw, pinuntahan ka ng barkada para makapagpaalam sa’yo. Halos kumpleto sila. Kasama dun si Jan Karlo. So, anong masasabi mo kay Jei? Walang hiya yun, I mean, hindi siya mahiyain katulad ko... Siya nagbalita sa’kin na wala ka na. Walang hiya talaga!!! Pero ‘lam mo, siya nag-organize ng pagbisita sa’yo. Isa-isa niya kaming tinawagan. Sila ni Jeppe ang nag-asikaso sa mga nag-gagandahan at nagsisiksikan mong kumare. I mean, nag-sesexyhan pala. Yung service van ni Khat ang gamit na sasakyan para mapuntahan ka. Si Maritess, siya ang punong abala sa mga bulaklak. Nakikita mo yang namumukadkad na flowers sa likod mo? Si Garry sumagot nyan. At kung pwede lang, sigurado akong ipapadala ni Yam ang sarili niya para matabihan ka. Si Cris, na bihira na lang magparamdam, nandun para sa’yo. Si birthday girl Kathy, batiin mo na lang nang personal, i-surprise visit mo siya. Yung ibang hindi ko na nabanggit, ikaw na lang magparamdam sa kanila… Binuo mo ulit ang barkada, Ja. Salamat.

Ako naman, kahapon lang kita napuntahan. Na-kwento sa’kin ni Vince yung mga nangyari. Mas naiintindihan ko na kung bakit ayaw mong ipaalam sa’min. Naimagine ko yung mga pinagdaanan mo. Nanghina ako, Ja. Parang bumigay rin yung isa kong lungs at nawalan ng hininga. Napaiyak. Naiiyak ako habang sumusubo ng pagkain.

“I Will Be Here.” Yan yung dinedicate mong song sa barkada nung graduation. Tapos sabay patutugtugin mong background music dun sa chapel habang kumakain ako. Muntikan ko nang masinghot yung sabaw ng chicken afritada... Masarap siya ha, in fairness.

Ah, nga pala Ja. Naririnig mo ba yung kanta? Sabi mo kasi sa isang sulat mo, gusto mo ‘kong marinig na kumanta pag nagkausap na tayo. Sensya ka na, Ja, ha. Nahuli ako nang dating eh. ‘Di na tuloy tayo nakapag-usap. Kaya ayan, kantahan na lang kita…

Nako, sinasabi ko sa’yo, Ja, ha. ‘Wag na ‘wag mong patutugtugin yan pag nasa date ako. Sinasabi ko talaga sa'yo! Sit and watch ka na lang dyan sa heaven… Yayayain kong mag-stargazing yung ka-date ko. Tapos hahanapin kita sa kaulapan. Ituturo ko yung pinakamaningning na bituin at sasabihin ko sa kanya, “Nakikita mo yan? Si Janice yan…” At ikukuwento ko ang istorya ng pagkakaibigan natin. Ewan ko na lang pag hindi ka ma-fall mula sa kinauupuan mo dyan sa langit.

Tuparin mo lahat ng mga pangarap at wishes mo dyan ha. Balita ko e sa isang iglap lang, wish granted agad-agad.

Gawin mo lahat ng gusto mong gawin. Lalo na yung mga hindi mo nagawa dito. Mag-shopping ka to the max! Bumili ka ng 365 pairs of shoes at luxury bags, puro Louis Vuitton!

Sumali ka ulit sa mga fun run dyan. Tapos mag-high heels ka para kahit ‘di pa nag-start, e may winner na agad. Tapos mag 2-piece ka! T-shirt at jogging pants, Ja.

Have fun! Have so much fun! I’m sure magaan na ang paghinga mo dyan kahit ikutin mo pa yung buong Garden of Eden nang seventy times seven.

Ay, baka makasalubong mo pala si Papa dyan, batiin mo. Malamang nga e sasalubungin ka niya para magpasalamat. Dahil dinamayan nyo ko nung mga panahong pinaka-kinailangan ko ng kaibigan. Kaya magsabi ka lang ng kahit anong gusto mong ulam, ipagluluto ka nyan ni Papa.

Pag may free time ka, dalawin mo ko sa panaginip. Paturo ka rin kay Papa kung paano yung proper visitation. Baka mamaya sa kwarto ko ‘kaw dumalaw, tapos naka-white dress ka pa. Lilinawin ko: SA PANAGINIP LANG.

Pinapatawa lang kita, Ja. Baka kasi nalimutan mo nang tumawa sa loob ng isang taon na puno ng pasakit at luha.

Pahinga ka na…

Smile ka na ulit. Gusto ko nakangiti ka pag nagkita tayo sa panaginip.

Hihintayin kita…

I will be here.

2 + 6 = 8

Friends Forever,

Peds

i will be here Janice

Last photo with Ja. Huli naming pagkikita ay nung HS barkada reunion ng July 2023. Pumanaw si Janice nung October 20, 2025.

live love laugh ebook pack
  • We miss you very much Ja. At YES, walanghiya talaga ako. Para sa inyo pagbubuklurin ko kayo. Pero sana hindi sa ganitong sitwasyon. May soul rest in peace Janice! We love you!

  • {"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

    Tags

    expression


    You may also like

    Meet My New Bestie, Jon Batiste

    Meet My New Bestie, Jon Batiste
    >