Flashback muna tayo sa August 30, 2025, nung 1st meet-up ng PAG-IBIG Café Book Club...

Lagi kong nadadaanan 'tong café pag tuwing lalabas ako ng Pacita Complex. Kabubukas lang pala nila nung May this year.
Nakuha yung atensyon ko hindi dahil sa kape, kundi dahil sa mga nakadisplay na books sa bookshelf na tanaw mo sa labas.
"Uy, nice! Library-themed na café," sa isip-isip ko.
Pagbasa ko sa signage: PAG-IBIG — love it!
Naisip ko na mag-donate ng tig-isang copy ng Ganito Kami Noon at One Whole Naked Me.
Kaya sinearch ko sa FB yung page ng café. Iniscroll ko nang konti at nakita ko yung post about sa Book Club meetup. Sakto!
Pero naisip kong gawan ng plot twist: hindi ako magpapakilalang writer.
Eto na, day of meet. Malapit lang sa bahay yung café kaya nilakad ko lang... half-step, dalawang crossover, tas fadeaway layup.
Dumating ako na kaka-start lang nung event. Yung host ay isa palang author! (pen name: Hiroyuu101) At isa rin sa mga co-owners. Kaya pala ganun yung theme ng café.

Graveeee maka-book series 'tong si Hiro
Isa-isang nagpakilala yung mga members. Introduce yourself, and tell 2 truths and 1 lie, tapos isshare mo yung paborito mong book at genre.
Turn ko na:
"Hello, good afternoon sa nyong lahat. My name is Peds (ginamit ko yung isa kong nickname para hindi obvious).

2 truths and a lie about me: one, I'm a network engineer; two, meron kaming.. (nagbilang ng daliri sa kamay) 16 na alagang pusa.." Nagulat sila sa dami, nagulat rin ako.. andami na nga, buti at napakapon na si Nanay.
"at three, nung student ako, sobrang gustung-gusto kong gumawa ng book reports."
Nalaman agad nila kung ano yung lie.
"Eto naman yung favorite kong book," sabay labas nung Ganito Kami Noon habang nakatakip yung daliri ko sa pangalan.
"Gusto ko siya kasi naka-relate ako sa kwento nung author.. Batang 90s rin kasi ako, so na-enjoy ko siyang basahin... Kilala nyo ba si Bob Ong? (Oo daw) Ayun, parang ganun yung style nito. Light lang pero may mga lessons na kasama.. Ang theme niya is about happiness and chasing your dreams..."
Dinugsungan ko na agad para hindi mabisto, "tas yung favorite genre ko naman is poetry... Ayun, thank you."
Sumakses ang disguise.
But wait, may climax pa pala.
Pagkatapos magpakilala ng lahat, nagkaron ng open discussion. Nakakatuwa silang pagmasdan at pakinggan habang nagkkwentuhan. Nagiging superhuman talaga ang mga tao when they talk about the things they love.
"Pwede pong mahiram yung book?" Singit na tanong sa 'kin nung book blogger member.
Pagkaabot ko nung book, piniktyuran niya yung harap at likod. Ini-scan yung loob. Saka ibinalik sa 'kin nang nakangiti. Hindi naman nagtanong. Lusot!
Nakakatuwang experience. Parang detective thriller ang peg.
Epilogue: Nagpaalam ako sa mga owners para sa book donation. Hinintay ko muna silang makaalis pati yung mga book club members. Yan ang advantage pag walking distance, half-step at 2 crossovers lang ang café.
Iniwan ko yung books sa pinakababang shelf, sabay spin move palabas ng pinto.

Panalo ang first book meetup. Nakaka-in love.

A few months later... I quit.
Na-realize ko na joining a book club was not for me.
Gusto ko lang talaga mag-donate ng copy nung books, and then, that's it.
Na-enjoy ko lang siguro yung 1st meet-up, kaya nagka-interest rin ako kung ano nga bang mga kaganapan sa isang book club.
So, ganun pala siya... Merong book of the month (BOTM) na babasahin ng lahat ng members, tapos magkakaron ng discussion at the end of the month. Kung may film adaptation yung book, meron ring film showing sa café.
Nung una, once a month lang yung meeting. Sunod, naging twice a month na. Yung isa, sa middle of the month, para sa silent reading session.
Nakaisang session ako. Sa discussion, wala.
Wala kasi akong natapos basahin na BOTM. Pinakamalayo ko nang narating eh Chapter 9 ng The House in the Cerulean Sea. BTW, nagustuhan ko 'tong book na 'to ha, kaya nga umabot ako ng Chapter 9. Eh usually, hanggang 3 chapters lang ako. Much less kung hindi ko masyado bet yung libro.
At yan yung isang main reason kung bakit ako nag-quit—hindi ako makatapos ng book in 1 month. Kaya umaabsent na lang ako pag discussion meet na. Though yung 1st time eh namiss ko talaga dahil pumunta ako sa lamay ni Janice.
Sa situation ngayon, hindi ko kaya ang 1 book/month eh. Bukod sa work, may side-project rin ako. Tapos, nag-aaral rin ako ng piano na sobrang na-eenjoy ko. Kaya minsan, 'di ko namamalayan na more than 2 hours na pala akong tumutugtog... Puro intro.
Ayun, eh hindi rin ako nakakapagbasa araw-araw. Kung maisingit ko man, 1 hour lang yung reading time ko. Kapos sa 'kin yun kung 300+ or 400+ pages yung book.
Yung huling attend ko nga, December 14, silent reading nun, late na ako nakapunta. Tapos pagdating ko pa, chinismax ko si Kiko, yung isa pang boy member. Kaya ayun, hindi na rin siya nakapagbasa. So far, wala pa rin siyang natatapos na BOTM.
At yun na pala yung last time na makaka-attend ako.
Babawi sana ako sa YEP nung December 27, kaso sh*t happens. Feeling OP ako that day, following an incident that led me to deleting Facebook app.
Na-intensify pa yung feeling kasi na-o-OP na rin ako dun sa book club. Mas dasurv yung slot for a full-blooded bibliophile—at hindi ako yun.
Yung tipong kumpleto sa rainbow colors yung bookmark sticker at highlighter. Nililista yung list of characters with complete description. At higit sa lahat, naka-Kindle.
So, I quit to make room for him/her. Sana him para may kasamang guy si Kiko, who, in his own words, is 'flower among thorns' na talaga ngayong wala na ako sa club.
I apologize sa kanilang mga book club members kasi hindi na ako naka-join nung YEP. At least, nakapagpaalam man lang sana ako nang maayos. At nakapagpasalamat for their company.
It was a short-lived, but fun and learning experience for me.
I quit the book club, but I won't quit books. Dahil isa yan sa mga treasures sa mundong 'to.
Tatapusin ko yung The House in the Cerulean Sea. Itutuloy ko pa rin ang pagbabasa ng fiction. Tapos, gagawan ko sila ng book report.
At malay natin, pagdating ng araw eh yung first novel ko na yung maging BOTM ng book club na masasalihan mo.
Until then...

Maraming salamat at natapos mo 'tong basahin. Hindi ka quitter.

