February 25

Hidden Wealth

0  comments

Ayon muli sa chismis na nagmula pa sa ibayong lahi, noong unang panahon raw ay matatagpuan si #Happiness kahit saan. Pero dahil nabulag ang sangkatauhan sa mga materyal na kayamanan, naisip ni Fairy Godmother na itago si #Happiness.

Tinipon niya ang kanyang mga chimi-aa na sina Aida, Lorna, at Fe, at sa kanila’y humingi ng mungkahi.

Sabi ni Aida, "Madam, ibaon natin sa ilalim ng lupa!"

"Ikaw kaya ang ibaon ko, Aida?!" harsh na joke ni mudra.

"Utang lang ang pwedeng ibaon, pero si #Happiness hindi. Kayang-kayang bungkalin yan ng mga nag-fa-five-six."

"Tita, kung sa pinakamalalim na karagatan kaya?" tanong ni Lorna.

"Wit Lorna, pamilyar ka ba sa muro-ami? Maraming brusko ang magaling sumisid, puro-beki!"

"Alam ko na Senyora! Sa pinakamataas na tuktok ng bundok!" sabat naman ni Fe.

"Fe, ang mga tao ngayon umaakyat na ng bundok para lang mag-selfie. Tiyak na babalewalain lang lalo nila si #Happiness."

Nagugulumihanan si Fairy Godmother kaya minabuti niyang kumonsulta sa kanyang mahiwagang salamin.

"Mirror, mirror, on the wall, sino ba sa tatlo ang paniniwalaan ko, si Aida, si Lorna, o si Fe?"

"Believe in yourself, Mother Dear," nagsasalita pala si mirror. "And listen to your heart," English-spokening pa, imported!

"Heart?" napaisip ang lola mo, "Mwahahahaha! Mahusay ka talaga mirror, kahit made in China ka, mahusay ka! Magmula ngayon ay itatago natin sa kaibuturan ng kanilang mga puso si #Happiness dahil hindi maiisip ng mga tao na nasa kanila na ang kanilang hinahanap na kayamanan."

At mula noon ay natauhan rin sina Aida, Lorna, at Fe na ang kanilang hinahanap na tunay na kayamanan ay wala kay Marcos*. Ito ay nasa bawat isa sa kanila.

*Full name: Marco Sison

Dahil ang tunay na kayamanan ay nasa bawat isa sa atin. Matagal na itong nakabaon sa ating kalooban. Kaya nga “hidden wealth” eh. Nasa atin ito, lagi.

At ang tunay na kayamanan ay hindi mananakaw ninuman.


Maraming salamat sa pagbabasa. Ang "Hidden Wealth" ay galing sa aking libro na Ganito Kami Noon. Mas marami pang nakabaong hidden wealth dun at mas matatagpuan mo pa lalo si #Happiness.

Pwede ka ring mag-sign up below para maging treasure guide mo ako at sabay nating lalawakan ang ating financial literacy. Nagreresearch ako ngayon tungkol sa cryptocurrency at kung interesado ka ring matutunan 'to, subscribe ka lang para updated ka lagi.

Hanggang sa muli,

LIVE. LOVE. LAUGH!

Fred

live love laugh ebook pack
{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tags

empowerment, ganitokaminoon


You may also like

Ganito Kami Noon… ni Scout

Anger: My Greatest Teacher

>
Mabuhay!

Mabuhay!

Fred here :) Sign up to receive
more inspiring articles from me.

Thank you! :) Please check your e-mail.