Hindi na sana ako magsusulat tungkol sa Philippine election 2022 kasi marami nang nagpahayag ng kanya-kanyang mga saloobin at gusto ko na lang tumahimik para mapakinggan ang mga tao at mas maunawaan sila.
Sobrang bigat na rin kasi ng atmosphere mula pa nung panahon ng kampanya at lalo pa nung lumabas na ang resulta ng halalan. Kaya sana, kahit papano sa sulat na ‘to, sa paraang alam ko, ay makapag-lighten up ‘to sa atin.
Don’t worry, I won’t educate… dahil wala naman akong alam sa politics!
Kaya nga na-aamaze ako sa mga taong maraming nalalaman sa usaping pulitika pati na sa history. Lalo na sa mga kabataan ngayon, ang wa-wais na magsalaysay at makipag-argumento. Hindi lang sila cute, ang tatalino at ang gagaling pa.
E nung kabataan ko naman, cute lang naman ako. Aminado naman ako dun…
Ayun nga, kaya mananahimik na lang sana ako at mag-oobserba. Kaso kanina habang nagbabasa ako ng libro, Letting Go ni Dr. David Hawkins, napaisip ako dun sa sinulat niya sa chapter tungkol sa anger:
The behavior of others toward us always includes a hidden gift. Even if that behavior appears negative, there is something in it for us. Very often that something appears in the form of a signal to us to become more aware. Let’s say, for example, that somebody calls us “stupid.” Our natural response is one of anger. We can use the energy of that anger consciously: “What is that person asking me to become more aware of?”
If we constantly follow this procedure, we will come to the awareness that everyone in our life is acting as a mirror. They are really reflecting back to us what we have failed to acknowledge within ourselves. They are forcing us to look at what needs to be addressed.
Ayaaan… Pagmuni-munihan natin yung message at i-relate natin ‘to sa current events around the election.
Uhmmm, actually hindi nga lang ‘to “current” events kasi matagal na ang pinagmulan nito. Bago pa ang panahon ng kabataan natin – panahon ng panunungkulan ni Ferdinand Marcos, Sr. bilang pangulo ng Pilipinas. Yung tatay ni BBM.
“They are forcing us to look at what needs to be addressed.”
Anger.
May dahilan para magalit kay Ferdie. Valid ang nararamdamang poot at matinding galit ng mga tao noon na nadala natin hanggang ngayon. Yup, bitbit pa rin natin yung galit na yun, hindi lang tayo aware.
Pero ngayon, thanks to BBM, ay nagiging mas aware tayo dun sa hidden wealth, este hidden emotion na yun – yung galit na nakakimkim sa ating mga puso.
Kaya ang sakit ‘di ba? Masakit maramdaman ang galit.
Pero kailangang maramdaman yung sakit. Kailangang maramdaman yung galit, yung lungkot, yung pait, at lahat ng iba pang hidden emotions na kailangan na nating palayain. Yun kasi ang tanging paraan para maghilom ang ating mga puso.
Kung nanalo si Leni, oo, magkakaroon nga siguro ng magandang pagbabago sa pulitika at sa bansa. Pero “pagbabago” bang maituturing kung nananatili naman yung galit sa atin?
Siguro maiisip mo, mawawala lang yung galit kung magkakaroon ng pagbabago. Pero hindi kaya baliktad? Magkakaroon lang ng pagbabago kung mawawala yung galit.
Pagnilaynilayan natin. Natalo si Leni. Eto bang nararamdaman natin ay dahil natalo si Leni? O dahil nanalo si BBM? Kung si Isko ang nanalo o si Ping, siguro okay lang. Pero bakit pag kay BBM, iba? Kasi may sugat siyang natatamaan – yung matinding galit natin sa Marcos – yung sugat na gusto nang maghilom pero ayaw natin.
“Very often that something appears in the form of a signal to us to become more aware.”
Kapag nagkukwentuhan kami ng kapatid ko, ang madalas kong nasasabi ay “maysakit ang lipunan natin.” At para mapagaling ang sakit, kailangan muna na maging aware tayo na maysakit tayo.
At ang pulitika siguro ang naging best form of manifestation ng sakit na yun. At para mas obvious, para talagang maging aware tayo, ay kinailangan ang pagkapanalo ni BBM.
Mahirap ‘tong intindihin sa ngayon. Ganun rin ako nung nagkasakit ako dati ng hyperthyroidism. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako maysakit. Yun pala, meron siyang napakahalagang ituturo sa akin. Ngayon lang ako nagkaroon ng understanding. Understanding na nagdulot ng healing.
At bilang sambayanan, yun ang kailangan natin – healing. Dun magmumula ang pagbabagong hinahangad nating lahat para sa ating bansa.
Yung mga “pagbabago” kasi na maihahatid ng gobyerno ni BBM, o ni Leni, o kung sinumang maupo sa pwesto ngayon at sa mga susunod pa ay puro panlabas lang naman. Kumbaga sa sakit, yung symptom lang ang ginagamot, hindi yung root cause ng sakit.
Gusto ba natin na dun sa makabagong Clark international airport o dun sa dinedevelop pang malawak na paliparan sa norte e ang bagahe natin ay punong-puno ng galit? Mabigat yun!
Kaya sana ay bitawan na natin yung mga nagpapabigat sa atin sa byahe patungo sa bagong Pilipinas.
At ang susi para mabuksan ang bagahe at mapagaan ‘to ay pagpapatawad.
Sa pagpapatawad, hindi natin kinakalimutan ang nakaraan. Ang nagagawa nun ay nabibigyan tayo ng kaliwanagan sa ating pananaw na dati ay nababalutan ng galit.
“..we will come to the awareness that everyone in our life is acting as a mirror.”
Kaya ang nangyayari, pag tinitingnan natin si BBM, ang nakikita natin sa kanya ay si Ferdinand Marcos. Kasi galit ang ginagamit nating paningin. Pinapasa natin yung kasalanan nung tatay sa anak. ‘Di ba nga may kasabihan na, “the sins of the father… and I will tell you who you are…” Ay iba ‘ata yun, basta ganun!
“They are really reflecting back to us what we have failed to acknowledge within ourselves.”
Pero kung mas uungkatin pa natin, ang nakikita talaga natin kay BBM ay walang iba kundi ang ating sarili.
Si BBM ay reflection ng bawat isa sa atin. Ipinanganak siyang may “original sin.” ‘Di ba ganun rin ang tingin natin sa ating sarili?
Dahil sa original sin kaya “guilty” tayo forever, ‘di ba ganun daw yun?
Teka, Kyah Freddie, off topic na ata. Lumalayo na ata tayo sa usapan…
Oo, ganun kalayo ang pinagmulan ng lahat ng galit natin. Pero hindi tayo lumalayo. Actually, lumalapit nga tayo sa naging sanhi ng sugat natin. Ito yung mas malalim nating pinag-uusapan sa self-study ng A Course in Miracles.
Sige, back to topic na tayo.
“What is that person asking me to become more aware of?”
Napakagandang mapagnilayan ang tanong na ‘to ng magkabilang partido, ng mga kakampinks at ng mga BBM supporters.
Mare-realize natin na hindi sina BBM at Leni ang naghihiwalay sa atin, kundi yung galit natin. Nagiging reason lang sina BBM at Leni, pero ang totoo, hindi sila ang cause.
Hindi tayo nagagalit dahil sa mga salitang sinasabi ng iba. Nasasabi natin yung mga salita dahil galit tayo.
Dahil sa galit, nakakabitaw tayo ng mga salitang nakakasakit ng damdamin ng tao.
Hurt people, hurt people. Kapag hurt tayo, napupukol natin yung hurt na yun sa iba para hindi natin maramdaman yung sarili nating hurt.
Ang may-sakit, nakakapanakit. At ang part na yun natin na may-sakit ay ang ating ego, yung “small self” natin. Yan yung what that person is asking me to become more aware of.
Kulet nga e, kasi sumakto pa yung hinalimbawa ni Dr. Hawkins sa libro. Sabi niya:
If we look at the “small self” aspect of ourselves, we will see that making ourselves and others “wrong” is one of its favorite activities (e.g., politics and the media).
Kung isa-summarize natin yung mga posts at palitan ng comments sa FB, eto yung laman ng message: Tama ako. Mali ka.
At madalas nagagamit natin yung campaign ni Leni at ni BBM para sa sarili nating kampanya. Nangangampanya tayo ng attention, ng validation, ng acknowledgment na gusto nating makuha.
Yun ang campaign ng may-sakit. Sickness is a call for healing. Hurt is a call for love.
Maysakit ang lipunan natin.
Ang bawat isa sa atin ay nananawagan ng pagbabago. Nakita, narinig, at naramdaman na natin ang tugon ng galit. Sana sa pagpalit ng administrasyon ay mapalitan na rin yung galit ng pagpapatawad.
Nawa ay matutunan nating tugunan ang panawagan na yun ng pagmamahal. Para naman talagang matawag na natin ‘tong “pamahalaan.”
Kasi sa bandang huli, anumang kulay ang piliin natin, mananaig pa rin ang ating pagiging Pilipino na may pagmamahal sa kapwa Pilipino.
On-point!