November 19

This is What Happens When You Follow Your Heart…

0  comments

Alam mo yung feeling na may nagustuhan kang sapatos sa mall tapos hindi mawala-wala sa isip mo hangga’t hindi mo nabibili?

Parang ganun yung naramdaman ko para sa website na ‘to.

Actually, na-launch na 'to nung 2018 nung naudyukan ako sa pagbabasa nung librong Stainless Longganisa ni Bob Ong. Kung hindi mo pa yun nababasa, tungkol siya sa journey niya bilang writer.

Kaya na-inspire ako na mag-share rin ng mga experiences ko hindi lang bilang writer, kundi bilang cutie na rin, ay! What I mean is bilang tao pala... And along the way ay maibahagi rin yung mga natututunan ko sa buhay.

Kaso ayun, naging busy sa ibang bagay. Tinapos ko muna yung pagsusulat ng Ganito Kami Noon (published na, yehey!)...

Pagkatapos, tinuloy ko naman yung nauna kong website na thepathtoawesomeness.com na base rin sa nauna kong libro. Hulaan mo kung anong title…

Tama! “The Path to Awesomeness.” Paano mo nalaman? Galing mo ha!

Oo, author ako... Hindi ka makapaniwala no? Ako rin e. Hindi ko inakalang sa pagiging writer ako mapapadpad.

Ehhh ano pa nga bang magagawa natin? Nandito na tayo e. Nagsusulat na ako, nagbabasa ka na. Tuloy na natin to!


Introduction Part 2

Nung 2013, nag-resign ako dun sa pinapasukan kong trabaho. Nalipat kasi sa malayong lugar yung opisina, bukod pa sa shifting schedule na inaayawan na ng katawan ko. Wala rin naman akong naging crush dun kaya naging madali lang yung desisyon kong umalis.

Nag-full time ako dun sa nasimulan naming social enterprise na Friggies, na akala ko ay tatalo sa Starbucks. Ginawa naman namin yung best namin, but I guess our best wasn’t good enough. (Umm, alam mo yannn… Kinakanta mo yan!)

At minsan, nauwi yung usapan namin nung business partner at friend kong si Joey sa “special talent” ng mga tao. Halimbawa si Jordan, special talent niya yung basketball. Si Steve Jobs, sa entrepreneurship. Ikaw, sa pagtulog sa office... Halimbawa lang naman.

Sabi ni Joey, sa music daw siya. True! Ako naman, sabi ko, “jack-of-all-trades, but master of none.” Pero sabi sa’kin ni Joey, “Tingin ko pre, sa pagsusulat ka.”

Hindi ko na naalala kung saan napunta yung usapan namin. Pero promise, walang nangyari sa’min!… Sa amin, wala. Pero sa akin, meron. Tumatak sa akin yung sinabi niya.

Pinagmuni-munihan ko yun. Pinagmuni-munihan ko yung mga pagkakataong naging bahagi ng buhay ko ang pagsusulat.

Mula sa pagsusulat ng letters nung highschool; nung sumulat ako ng tula para sa graduating class; nung gumawa ako ng private blog; nung na-feature ako isang beses sa newsletter ni Bro. Bo; nung sumulat ako ng mga kanta nang matuto akong mag-gitara; nung nagsulat ako ng mga articles para sa Friggies; nung unti-unting nanumbalik ang hilig ko sa pagsusulat ng tula; at nung ma-spottan ng isang author yung pinasa kong tula para sa Goodreads contest, kaya isinama niya ako sa kanyang poetry anthology.

Hmmm, may point si Joey.


introduction pa rin...

Dahil nagiging madalang na ang business operation ng Friggies, nagamit ko ang mga bakanteng oras para maisulat yung The Path to Awesomeness.

September 2015 nang sinimulan kong magsulat. Kung anu-ano lang nung una, karamihan galing sa journal ko. Pagdating ng February 2016, beast mode na. Desperado na rin kasi, lalo na financially. The spirit is willing, but the cash is failing. At madalas, kapag desperado ka na, nagagawa mo yung mga bagay na hindi mo akalaing kaya mong gawin.

May 2016, hindi ko akalaing nakapagsulat na pala ako ng libro.

Sa katunayan, nakapagsulat rin ako ng 70+ na tula, pandagdag dun sa naunang 30 para makabuo ng poetry collection: One Whole Naked Me.

Tapos, bandang June 2017, nanaginip ako isang gabi. Pagkagising ko, sinulat ko yung napanaginipan ko. Nanumbalik yung mga alaala ko nung dekada 90’s, yung nagisnan kong buhay noong kabataan ko. Ayun, Sabado-Linggo akong nagsusulat. Every weekends lang, kasi hindi ko maisingit sa weekdays mula nung makabalik ako ng trabaho…

Yan yung mga nangyari sa loob ng mga nakalipas na taon mula nung nagresign ako. Siguro nga, hindi ko masyadong napag-isipan. Sa loob ng tatlong taon, I just followed my heart. Yan na ang balak kong gawin for the rest of my life.

At ngayon nga, dito na ako dinadala ng aking heart. Nagsusulat ng “follow your heart” rin.

Uy, ‘wag ka mag-resign agad ha! Ang ibig ko lang sabihin, may trabaho ka man o wala, just follow your heart.

Haaaay, salamat! Natapos na rin ang intro ko.


SIGNS

If you're looking for a sign, this is it...

follow your heart

This is the sign...

At ito ang iba pang mga obvious na signs na nagpapahiwatig na kailangan mo nang i-follow ang iyong heart:

  1. Naiisip mo ito habang jumejebs ka.
  2. Nawawala na sa isip mo si crush… Nasa puso mo na kasi siya. Uyyyy, kinikilig... Nag-bu-blurred.
  3. Nawawalan ka na ng time manood ng K-Drama. Nakukuntento ka na sa kwento ng officemate mo.
  4. Binabasa mo ito during office hours. Hindi ka na tuloy nakakatulog sa office.

Kung nakaka-relate ka sa mga nabanggit na signs, go for it!

Sabi nga ng Sexbomb Dancers, “Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.”

Oo, kapag sinunod mo ang nasa puso mo, walang kasiguraduhan. Pero sigurado ako, manalo matalo, magiging masaya ka. Get Get Awww!

Actually, yun lang talaga ang masisiguro ko sa’yo — magiging masaya ka.

Happiness is what happens when you follow your heart.

Follow mo yung nasa puso mo... yung dahilan kung bakit hindi mo na naaalala yung sapatos na gusto mong bilhin.


Salamat sa pagbabasa.

Next time ulit!

live love laugh ebook pack
{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tags

empowerment


You may also like

>
Mabuhay!

Mabuhay!

Fred here :) Sign up to receive
more inspiring articles from me.

Thank you! :) Please check your e-mail.