September 23

CD Player

Nung 3rd year college ako, bumagsak ako sa isang major subject.

Na-suspend ng isang semester yung P2.5k/month stipend na natatanggap ko galing sa DOST scholarship.

Pagkapasa ko nung summer class, nag-resume na rin yung monthly stipend ko, plus yung naipon na retro.

One-time, big time! Umabot ng P16k+ ang pumasok sa Landbank ATM ko.

Kaya naman isang araw pagkatapos ng klase sa school, dumerecho agad ako ng Raon — "We've got it all for you, too."

At eto ang naging katas ng aking suspension: my dream CD player na sobrang napakinabangan ko for the rest of my college life.

cd player

Galing 'tong pic, pati na 'tong maiksing sulat sa Facebook post ko nung bago kami lumipat ng bahay dito sa San Pedro. Gumagana pa rin 'tong CD player hanggang sa kasalukuyan.

This CD player serves as a reminder in life na minsan, ang "failure" na na-e-experience natin ang siya pang nagdadala sa atin sa mga gusto nating makamit sa buhay.

Life is like a song. Hindi laging maganda yung tugtog, pero kailangan pakinggan mo siya nang buo para maintindihan mo yung meaning ng kanta.

live love laugh ebook pack
{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tags

empowerment, music


You may also like

What is God’s Will?

What is God’s Will?
>