The two most important days of your life are the day you are born and the day you find out why* discover piano.
(*original quote by Mark Twain)
Unang beses akong nakakita ng keyboard siguro mga 9 or 10 y/o ako, dekada 90’s, nung minsang namyesta kami sa dating ka-opisina at kumpare ni Papa na si Ninong Taba** sa may Lipa, Batangas.
(**Ninong siya ni ate sa binyag. Ang ninong ko naman ay si Ninong Payat. At katulad ng karamihan sa mga ninong, ghinost niya rin ako.)
May solong anak sina Ninong Taba—si Kuya Alvin, at siya yung tumutugtog ng keyboard. Active sila sa church at kasama sa music ministry si Kuya Alvin. Nasa loob ng kwarto niya naka-setup yung keyboard. Sa kwarto rin na yun ako unang nakakita ng headphones.
Amazed na amazed ako sa aking mga nakita. Na-curious ang mura kong pag-iisip kung paano sila gamitin. Sinuot ko yung headphones. Walang tugtog, pero naaliw ako sa pakiramdam na nakasaklob ang mga tenga ko at halos wala akong madinig.
Sunod naman ay pinindot-pindot ko yung keyboard. Hindi tumutunog kasi hindi naka-ON. Hindi ko rin alam kung pano i-ON kaya hinayaan ko na lang at lumabas na ulit ako ng kwarto.
Hindi ko akalaing magiging core memory ko yun. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa diwa ko yung na-experience ko dun.
Tapos isang araw, bigla na lang kami nagkaron ng keyboard sa bahay—Casio pa ang tatak. Sabi ni Mama, pamana na raw sa amin ni Uncle Bibing kasi mag-ma-migrate na silang mag-anak sa USA.
Ayos!...

Hindi pala ayos. Sira na pala yung 5 keys ng keyboard. Hindi na tumutunog pag pinipindot kahit anong diin mo.
Ayun, puro Demo na lang tuloy pinipindot ko. Natutuwa na ako sa dami ng demo songs na pwedeng patugtugin dun sa keyboard. Tapos, iniimagine ko na lang na ako yung pumipindot nung mga keys.
Tanda ko may mga nakadikit pa na masking tape yung mga keys at may label ng notes, na medyo kupas at natutuklap na rin sa pagkakadikit.
Nasubukan ko naman pindutin yung mga keys na tumutunog pa, kaso syempre hindi naman ako marunong tumugtog nun. Wala sa pamilya namin ang marunong. Wala pa ring YouTube nung mga panahong yun para sa mga video tutorials. Hindi pa uso ang internet noon.
Uso noon yung Agapay music school sa bayan ng Calamba, pero syempre may bayad yun. Eh academic school muna ang priority ng budget para sa aming magkapatid. Kaya waley talaga.
Hanggang sa nagpalipat-lipat na nga kami ng tirahan at hindi ko na alam kung anong nangyari dun sa keyboard.
Then, life happened…
Fast forward to 2010, natuto akong tumugtog ng gitara. Mahilig kasi akong kumanta. Eh napapanood ko dati si Piolo Pascual sa ASAP pag kumakanta, parang may kulang. Naisip ko, “Nako, kahit pala napakapogi ng kumakanta eh kulang pa rin pag walang gitara.” Nakita ko yung sarili ko kay Piolo.
‘Di nagtagal ay natuto naman akong mag-drums. Nagkaron kasi ng studio yung barkada ko na si Tope, tapos nagiging kasyosyo niya yung drummer ng banda nung kuya niya. Eh syempre naging tropa na rin kami, nasuyo ko na turuan akong mag-drums.
Next thing I know, nakikipag-jam na ako sa mga friends at officemates ko regularly. Minsan hawak ko rhythm guitar and vocals, minsan drums. May times pa nga na nag-bassist rin ako kasi yun ang laging kulang sa mga jamming sessions.
Then, life happened… again.
Fast forward to 2020, nagka-COVID. Maraming nagbago. Pero isang bagay na hindi nagbago? Yung pagmamahal ko sa music.
September 30, 2023 nang makalipat kami pabalik sa Laguna, dito sa San Pedro. Sarili na naming bahay yung nilipatan namin. And for the first time ever, nagkaron na rin ako ng sarili kong kwarto—sarili kong space.
At katulad nang nakulangan ako kay Papa P na walang gitara habang kumakanta, feeling ko parang may kulang rin sa kwarto…
Wala pa pala akong kama!
Alam mo kung anong mas nakakatawa? Hindi kama ang na-envision ko para sa space na meron sa kwarto, kundi piano.
Eh kasi napagtiya-tiyagaan ko pa naman higaan yung foldable mattress. Pero yung kwarto na walang piano, hindi na.
Ang tagal ko ba naman ‘tong hinintay. Mula pa nung unang beses ko siyang nakita sa Lipa, pinapangarap ko nang makatugtog ng keyboard/piano.
Noon nga, pag sa misa at “Si Kristo ay Gunitain” na ang kakantahin, aliw na aliw ako dun sa ten-terenen-nenerenerenen-nen-nerenen-ten-ten na part, tapos sinasabayan ko pa yun ng fingerings, kunwari daw ako yung tumutugtog. Pag napapwesto ako malapit dun sa nagpa-piano, pinapanood ko pati yung pag-apak nung pianista dun sa mga pedals.
At March 19, 2025, yung imahinasyon ko ay naging katotohanan na…

May digital piano na ‘ko. Yeheeeeeeey!
Trivia: Magkaiba pala ang keyboard at digital piano. Nalaman ko na lang rin nung tumitingin na ako sa Shopee. Ang general recommendation ng mga seasoned musicians, especially for beginners, is to get a digital piano to replicate the experience of playing a real acoustic piano. 88-keys, fully-weighted, and with sustain pedal.
So, eto na. Day 1: Kaya ko nang pindutin yung ON/OFF button nang walang tinginan.
Nag-avail na rin ako agad ng online piano lessons for beginners. Saktong naka-sale yung Pianoforall course sa Udemy kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
At para mas kumpleto ang learning experience, kumuha na rin ako ng books on music theory para mas maintindihan ko ang mga musical concepts at piano workbook para matuto akong magbasa ng sheet music.

Marami rin kasi akong nababasa sa Reddit na mga matagal nang piano players na hindi marunong magbasa ng notes, kaya bumabalik sila sa mga beginner pieces para lang matutunan yun.
Hindi ko naman pinaplanong maging virtuoso. Naisip ko lang na since mag-aaral na lang rin naman akong mag-piano, sisimulan ko na nang maayos para isang pasada na lang.
Besides, I love music.
And learning piano made me love music even more.
It is this love for music kaya naman kahit yung mga boring na piano exercises ay nagiging fun and enjoyable gawin for me. Love is the key.
Sabi ni bestie Jon Batiste, 5 minutes of focused playing daw ay sapat na. Aba eh, inaabot ako ng 2 hours. Usually, ang isang session ko ay nagsisimula with warm-up exercises, tapos 1-2 pages nung workbook, tapos aral ng section nung pyesang binubuo ko, tapos tugtog nung mga nabuo ko nang pyesa.
In between, nag-te-take ako ng short breaks para mag-wiwi, uminom ng tubig, o kaya mag-fruit bites. Minsan naman nag-te-take rin ako ng parcel sa gate.
At nung January 5, 2026, dumating na ang pinakamahalagang parcel sa gate ng bahay. Ang aking pinaka-aasam na Roland FP-30X digital piano set—fully paid!

Mula nung unang beses ko ‘tong masubukang tugtugin sa Yamaha music store sa SM Megamall, hindi na nawala yung feeling na naramdaman ko nung lumapat yung mga daliri ko sa keys niya. Love at first touch.
Ipagpapaliban ko pa sana ang pagbili kasi maayos pa naman yung isang digital piano. Pero naisip ko si Janice: “Kung si Janice ‘to, at alam niyang maiksing panahon na lang ang ilalagi niya sa mundo, hindi niya siguro ipagpapabliban ‘to…” Tapos, etong barkada naming si Jei, eh bumili pala ng bagong electric guitar bilang regalo sa sarili niya.
Na-trigger ako. “Aba teka, bakit nga ba pinagpapaliban ko yung isang bagay na gustong-gusto ko?”
Pag-check ko ng aking account, yung naitabi kong pang-invest sana na extra pera for the last 3 months mula nang ma-promote ako sa work eh sakto sa presyo nung Roland FP-30X.
“Investment rin naman ‘to ah—investment sa sarili…”
“Pag ipinagpaliban ko ‘to ngayon, baka hindi ko na ‘to mabili pagtagal dahil sa mga bayarin…”
“Hindi naman ‘to luho…”
“Reward ko ‘to sa sarili nung na-promote ako…”
“Regalo ko ‘to sa ‘kin para sa lahat ng napagdaanan ko…”
Wala, tameme yung ego ko eh. Walang nagawa kundi mag-add to cart. Kinikilig ako sa excitement sabay checkout. Ngiting tagumpay.
At eto na nga. Na-delay man ang dating dahil sa holiday season, it was all worth the wait.


Eto, 02/20/2026, naiwan akong mag-isa sa bahay. Kaya naisip kong i-record yung sarili ko while playing yung unang song na nakalagpas ako sa intro.
Hanggang dito na lang muna ang aking kwento. Marami pa ‘tong kasunod.
But this is definitely a chapter to remember in my journey to becoming a pianist, na nagsimula pa noong unang beses akong makakita ng piano.
Kung nakikita at nababasa mo ‘to, this is your sign to follow your heart.
Pursue your passion. Chase your dream. It is never too late to become who you want to be.
Follow your heart—because it will be one of the most important days of your life.

