January 8

Ganito Kami Noon… Hilot

0  comments

Naalimpungatan ako kanina mula sa pagtulog, medyo pawisan yung likod at chest ko (“chest” para sexy pakinggan). Siguro, yun yung “lamig” na lumalabas galing sa katawan ko. Tinablan rin ako ng mild flu sa pagpasok ng bagong taon.

Nga pla, happy new year! Happy new you!

Thank God, nothing serious. Kahit pati sina Mama at Ate, na naunang magkasakit e common colds lang rin. Okay na kaming lahat ngayon. Sana ikaw rin at ang inyong pamilya… Stay safe at healthy!

Pero noon, nung dekada 90’s, ibang kwento. Nung bata ako, madalas pag nagkakasakit ako at pinapa-check-up sa hospital, bronchitis ang diagnosis ng doctor. Yung tipong sumisipol yung paghinga ko dahil sa plema. Sabi pa, kung di raw maaagapan at mapabayaan, pwedeng mauwi sa asthma.

May isang beses na hindi ko makakalimutan na talagang tumatak sa aking memory. Nung time na yun, dinala ako ni Mama dun sa kilalang manghihilot / albularyo sa aming lugar.

Hindi ko alam pangalan niya kaya “Lola Hilot” na lang ang itatawag ko. Nanay siya ni Aling Baby Tapia at dun siya nakatira sa may bahay-kubo sa tapat ng bahay nila.

Kung nakapanood ka ng mga classic Pinoy films na may albularyo, ganun! Napapalagiran ng mga iba’t-ibang uri ng halaman at puno yung bahay-kubo ni Lola Hilot.

Kakaibang hiwaga rin ang bumabalot sa lugar na yun. Pag nandun ako, pakiramdam ko nanonood ako ng Magandang Gabi Bayan!

ganito kami noon hilot

Para sa kadugsong ng mapa at more secrets, read Ganito Kami Noon

Simple lang ang pormahan ni Lola Hilot. Naka-daster lang at wala siyang panyo sa noo. Pero ang signature style niya e laging may manipis na tobacco na nakasubo sa kanyang bibig. Yun siguro ang kanyang anting-anting. Aba’y epektib naman!

Ang unang gagawin ni Lola Hilot ay maghahanda siya ng palangganang may tubig. Papatakan niya yun ng nakasinding kandila. Dun sa formation ng patak ng kandila, malalaman kung naengkanto ka o kung napaglaruan ka ng dwende. Yan yung kanyang “laboratory test.” Buti naman at hindi nag-pormang white lady yung test ko.

Sunod ay kakapa-kapain niya naman ako. Human stethoscope si Lola! Nalalaman niya agad kung anong sakit ko at nasaan sa katawan ko yung sanhi ng sakit.

Next ay yung “medical procedure” na. Ilalabas na ni Lola Hilot yung mga maliliit na baso (parang shot glass) at lumang dyaryo.

Pahuhubarin niya yung damit ko at pahihigain nang nakadapa. Habang nag-oorasyon nang pabulong si Lola Hilot, sisindihan niya yung mga pira-pirasong dyaryo at ipapasok yung nag-aapoy na papel sa loob ng baso na ididikit sa likod ko.

ventosa hilot

Legit pala tong ginagawa talaga, Cupping Therapy o "Ventosa"

Ang galing kasi hindi napapaso yung likod ko. Ramdam ko lang na parang sinisipsip yung mga dinikitan ng baso sa likod ko, pero hindi naman sila masakit.

Makalipas ang ilang minuto, tatanggalin na isa-isa ni Lola Hilot yung mga baso sa likuran ko. Tapos ay tatagpian niya yung likod ko ng mga halamang-gamot. Para akong si Black Panther o yung iba pang superhero na nagpapagaling ng katawan matapos mapalaban.

(Maselan ang susunod na mga eksena. Tabi-tabi po!)

Nung kinagabihan, nagising ako at parang nasusuka. Kaya agad akong bumangon at pumunta sa kusina. Pagtapat na pagtapat ko sa lababo ay napabulwak na ako. Sumusuka ako ng plema!... In fairness, clear phlegm siya ha.

Natakot ako nun kasi ang alam ko lang na isinusuka ay pagkain, pero yung sa ‘kin nun ay purong plema. Si Mama naman, tulad ng lahat ng encouraging mothers e chini-cheer pa 'ko: “Sige lang ‘nak, ilabas mo lang…”

Ayun, nilabas ko nga ang lahat! At pagkatapos ng delubyo ay parang magic na sobrang guminhawa na yung pakiramdam ko.

Nakabalik ako sa tulog nang mahimbing at kinabukasan ay wala na akong sakit. Ang galing ni Lola Hilot!

Ganito kami noon pag nagkakasakit… dinadaan sa hilot.


Ikaw, naranasan mo na bang magpahilot? Share mo sa comments below yung unforgettable experience mo.


Maraming salamat sa kwentuhan.

Next time ulit!


LIVE. LOVE. LAUGH!

Fred

live love laugh ebook pack
{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tags

ganitokaminoon


You may also like

>
Mabuhay!

Mabuhay!

Fred here :) Sign up to receive
more inspiring articles from me.

Thank you! :) Please check your e-mail.