Kahapon ko lang siya nakilala... sa YouTube. Thank you, algorithm.
Dahil nag-aaral ako currently tumugtog ng piano, puro related sa piano yung mga videos sa feed ko.
Lumabas siya dun sa mga recommended videos na nasa gilid. Eh nabasa ko yung Finding Your Sound, "Uy, para sa'kin 'to," with a beginner's mind na discovering my sound signature.
"Medyo weird siya," first impression ko sa kanya. Pero nung nakita at narinig kong mag-piano habang nag-eexplain, "Ay, kaya pala... gifted."
Pinasukan ng blues yung Beethoven song, imba! Eh sa music, untouchable yung classical. Sacred yan for musicians. Kaya parang sacrilege act yung ginagawa niya.
Magkakasundo kami nito ni Jon—pasaway, in a nice way.
Kaya yung music na na-create niya? Beeeeautiful.
Pagtugtog niya nung Für Elise (Reverie), napa-teary eyed ako pagdating sa 5:41 mark. Ang soulful... Naramdaman ko yung emotion nung song. I felt so connected to the music. At yung connection na yun is healing to the soul.
Sabi ni Jon, "That's what happens when you open the door..."
At dinala niya ako sa different world of music na hindi ko pa na-eexplore.
"That's the beauty of music—there's always more... There's always more. There's always more... huh, whooo," sabay tugtog ng dramatic ending sa kanta.
Nabitin ako. Gusto ko pa ng more. Kaya sinearch ko agad siya sa Spotify.
Syet! May isang buong album pala yung Beethoven Blues.
Nakikinig ako sa headphones habang sinusulat ko 'tong article.
Nalaman ko na ni-record yung album sa bahay nila. Ganda, ang raw ng dating. 'Kala mo katabi mo siyang tumutugtog, rinig mo yung pag-tiklada niya sa piano.
Find your sound—it's already with you. You have to meet yourself. You have to discover yourself. It's like an introduction to who you are as you learn more. - Jon Batiste
Yown! Yung sound, it's already with you na pala. Kailangan mo lang siyang ilabas. At para lumabas siya, you have to be yourself. Allow yourself to be.
Ganun yung ginawa ni Jon sa Beethoven Blues. Kay Beethoven yung music, pero yung sound, kay Jon.
Creativity is not about being original. It's about being yourself.
Pare-parehas lang naman na 7 notes (C, D, E, F, G, A, B) ang ginagamit sa pag-create ng music. Pero unlimited yung number of songs na nabubuo nila. Amazing, noh?
Music is a universal language expressed in a million different ways.
Parang love. Love is who we are—in a million different human forms of expression.
Sa piano, ang tawag dun is voicing.
At the 13:20 mark, pinakita ni Jon na yung same notes, pressed many times, will sound differently depende sa voicing mo—kung paano mo sila tutugtugin.
Ganito yung na-eexperience ko with learning to play piano. Kahit may music sheet na, kahit may video tutorial na, may hinahanap pa rin akong tunog na gusto ko. Yung sarili kong tunog. Hinahanap ko yung sarili ko sa tugtog.
Ganto rin sa buhay. Hindi natin mahahanap yung gusto natin from external sources. It comes from within us. Kasi ang hinahanap natin ay yung sarili natin.
Pero since sound naman ni Jon yung nahanap ko for now, naghanap pa ako ng ibang videos niya. Na-hook ako eh.
Nag-binge watch ako. Para bang nag-cacatch up ako with a long lost friend na ngayon ko lang ulit nakita.
Nahanap ko yung documentary niya sa Netflix, American Symphony.
Pinanood ko agad kinagabihan. Ganda rin! Mas nakilala ko si Jon nang personal. Pati yung misis niya nakilala ko rin, si Suleika, who is a writer herself, kaya mas lalo pa akong naka-relate. Nalaman ko yung kwento nila.
Spoiler alert... ay 'wag na lang pala, baka ma-spoil ko.
Basta, ang masasabi ko na lang ay thankful at contented na ako as a hobbyist pianist (wow, pianist).
Pero nagsisimula pa lang ako. Hindi pa ako kuntento sa love ko for music. There's always more.
So, paano? Hanggang sa susunod na jamming ulit.
Salamat sa pakikinig!

