Kaninang mga 7PM, lumabas ako ng bahay para mag-withdraw saka para magpa-print ng important document.
Paglabas ko, sarado na yung 2 print shops na malapit dito sa bahay. Malapit lang kami sa school, kaso walang pasok mga istyudents kaya siguro maaga rin nagsara mga stores.
So, dumerecho na lang ako sa 7-11 para makapag-withdraw. May nauna sa 'kin na 2 human beings. Mabilis lang kasi fast cash eh. Kung matagal yun, slow cash yun.
Pagka-withdraw, lipat naman ako dun sa kalapit na Alfamart sa pagliko lang ng kanto para bumili ng AA batteries.
Sa tapat nung Alfamart, may computer shop na pagkakamalan mong antique shop sa kalumaan. Kulang na lang bagua, haunted house na. Nakapagpa-print na 'ko dun one time (Sunday nun, sarado yung ibang stores). Mahal, tas bungi-bungi yung print. Okay lang sana na mahal, kung mahal ka rin.
Kaya sabi ko, bukas na lang ako papa-print dun sa 'min. Umuwi na 'ko.
Pag uwi ko, sabi ni ate may pasok siya sa office bukas. E kailangan ng pirma niya dun sa document. So, kailangan kong bumalik dun sa computer shop.
Sa sitwasyon na yun, ang dali lang mag-reklamo. Tatakbo agad sa isipan, "Kagagaling ko lang ng kanto 'tas pababalikin ako?!" Tapos may kasama pang sisi, "Dapat kasi kaninang umaga pa lang inasikaso na yan."
Pero somehow, mas nanaig yung peace that surpasses all reklamo.
As if wala lang, lumabas ulit ako ng bahay, handa nang harapin ang dilim na naghihintay dun sa computer shop.
Eto na ang plot twist:
Pagliko dun sa school, natanaw ko yung print shop na bahagyang naka-angat yung roll-down shutter (sinearch ko talaga yung tawag dun). Usually pag ganung half-open, ayaw paistorbo 'di ba? Pag-silip ko may pinapanood na video si kuya. Only Fans siguro kaya naka half-open.
"Kuya, pwede pang magpa-print?"
Good mood si kuya. Malugod niyang tinanggap yung request ko at na-print yung document.
Eto yung isang natutunan ko sa A Course in Miracles (ACIM). Pag at peace ka, life will show you how it really works.
Even the mundane becomes a miracle. Kasi miracle is the natural order of things. Miracles are not "extraordinary" but the ordinary way of life, if we allow it.
Sabi nga sa Course, "Miracles are natural. When they do not occur something has gone wrong."
What if we got it all wrong?
What if life was supposed to be a miracle?
There are only two ways to live your life. One is as though nothing is a miracle. The other is as though everything is a miracle. - Albert Einstein
So, ano sa tingin mo, half-close?
O half-open?