Pag may kwentuhan tungkol sa buhay nung dekada 90’s kumpara sa buhay ngayon, madalas kong nababanggit kung gaano tayo ka-swerte na maging parte at masaksihan yung mga pagbabagong nagaganap sa mundo.
Una, nung dekada 90’s nag-boom yung internet. Tapos nitong 21st century yung mga smartphones naman kasabay ng mga social media platforms. Nakita natin yung benefit of having these technologies around nung nagka-global pandemic. Naging connected pa rin tayo despite the lockdowns. Napatunayan nito na pwede pala. There’s another way of doing things — a better way.
Isa na dyan yung the way we make money transactions to buy goods and services. Pag may gusto kang bilhin, smartphone lang at internet connection ang kailangan, makakapag-online shopping ka na. Pag wala nang pang-shopping, top-up mo lang yung bank account via online banking app, ayos na ulit.
Yan yung isang major improvement na dala ng technology sa financial system. Ang tawag ng mga millennials dyan: “FinTech,” o Financial Technology.
Makikita sa graph below yung trend na papunta na tayo sa cashless transactions.
At sa pagpasok ng bagong dekada, 2021, may umuusbong na naman na major-major improvement sa financial system — ang Cryptocurrency.
“Wait lang, Kyah Fred, saan mo nabalitaan yan?”
Sa YouTube. One time kasi nag-check ako kung may latest upload yung isang fina-follow kong account. Yung contents niya ay about spirituality at channeled messages from higher consciousness (saka na natin ‘to pag-usapan, magpayaman muna tayo ngayon). Tapos meron dun naka-capture ng attention ko. Ang title, Adamonomics 101.
Tunog “Economics” kaya na-curious ako… Na-curious ka rin ba?
Eto, panoorin natin:
“Cryptocurrency. If you do not understand it, learn about it ‘cause this is where it’s going…”
Nakaka-curious ‘di ba? Kaya pagkatapos na pagkatapos nyan, sinearch ko agad yung cryptocurrency. Nakakakita ako ng Tagalog na video about Bitcoin, ang una at pinakasikat na cryptocurrency, at kung paano yun mabibili.
Sumabak na ‘ko kagad para masubukan. Sinundan ko lang yung tutorial kung paano makapag-open ng account sa PDAX (Philippine Digital Assets eXchange) at paano makapag-trade ng piso sa Bitcoin. Mamaya ituturo ko rin sa’yo.
September 2020 yun. P2,000. Sinubukan kong mag-trade ng tig-P500 para lang malaman ko kung paano yung sistema. Hindi naman mahirap matutunan kasi simple at basic lang yung platform interface ng PDAX. Marami ka ring mapapanood na tutorial videos sa YouTube para ma-guide ka. 3 o 4 na pindot lang, may Bitcoin ka na.
A few months later…
December 2020, naisip kong i-check ulit yung PDAX account ko. Pagtingin ko, P4,200 something yung value.
“Aba, teka, bakit nasa P4,000+ na ‘to?” Ang pagkakatanda ko, P2,000 lang yung dineposit kong pera.
Chineck ko yung ACTIVITIES tab:
Bakit kaya na-doble?
Check naman ako dun sa TRADE tab. Dun ko nakita na umangat pala yung value ng Bitcoin from P519,719 to P1,297,369.
WTF?!! Nag-doble in 2 months! Samantalang yung savings account ko sa bangko, more than 2 years na, e wala pang P200 yung tinubo, ahahay!
Dun na-spark lalo yung curiosity ko. Simula nun, binantayan ko na yung crypto market. At sinimulan ko na rin yung pagre-research about cryptocurrency.
Dahil mahilig ako sa mga documentaries, eto yung una kong pinanood: Bitcoin, The End of Money As We Know It.
Very eye-opening yung documentary kasi una, pinakita yung history ng money, kung paano ba siya na-conceptualize as a form of exchange in value.
“Currency is the language that allows us to express transactional value between people,” sabi ni Andreas Antonopoulus, author ng Mastering Bitcoin.
Dyan pumapasok yung “money” as a form of currency. Pinakita sa docu kung paano nag-evolve yung pag-ttrade ng value in the form of commodities, tulad ng cacao beans, asin, shells, grains, metals, atbp., hanggang sa eventually maging coins at paper money na inabutan natin at ginagamit natin hanggang ngayon — yung fiat currency.
Pero mukhang hindi magtatagal e mapapalitan na ‘to ng bagong form of currency.
Bakit? Kasi hindi maayos yung financial system na meron tayo ngayon.
Nagsimula siyang gumulo nung nag-isyu yung mga goldsmith noon ng paper money imbes na yung mismong gold coin na gawa talaga sa ginto (ng ilang %).
Kumbaga ang dinistribute nila sa mga tao noon ay ordinaryong papel lang na wala naman talagang original (intrinsic) value.
Dahil sa mga gera noon, bumagsak ang ekonomiya, at naisip ng US government na i-manage ang daloy ng pera. Nabuo ang Federal Reserve, ang central banking system na binubuo rin ng mga private banks. Dyan nagmula yung banking at government system na meron tayo ngayon.
Ang tawag dyan ay “centralized” system.
Ang problema dun sa system, nagtuluy-tuloy ang pag-isyu ng paper money na walang katumbas na value ng gold, other precious metals, or iba pang assets. Ang resulta, inflation, o yung pagbaba ng value ng pera as a unit of currency.
Mas lumala pa nung pumasok tayo ng digital age, kasi as in naging “digits” na lang ang katumbas ng pera.
Pinakita dun sa documentary na kung may online balance ka na P100,000, nasa 3% (o P3,000) lang talaga nun ang physical na pera na nasa bangko. Yung 97% (o P97,000) ay ipapa-utang (o loan) nila sa ibang tao.
Ibig sabihin, hindi talaga nag-eexist yung P97,000, tapos pinasa pa nila sa iba (loan w/ interest). Ang resulta, debt o utang. Yan yung iikot sa circulation ng pera — puro virtual money. Ang sentro ng circulation ay yung bangko at government, kaya “centralized.”
Biruin mo, yung mga kinakaskas natin sa credit card ay pera na hindi talaga nag-eexist. Tapos napapatungan pa ng interest, na hindi rin nag-eexist! Totoo yung biro na, “mayaman tayo sa utang.”
Nabubuhay tayo sa debt-based economy. Hindi yun economical!
Sabi sa article sa workableeconomics.com, “We can’t create money without creating debt, but we can create debt without creating money.”
Hindi lang ‘to yung downside — nako-compromise rin yung identity at security natin. O, hindi ba bawat online transaction, binibigay natin yung personal info sa card details? Ang resulta, identity theft at mga fraudulent transactions.
Eto yung mga major issues ng current financial system: centralized, inflation, at security.
Bitcoin
Salamat kay Satoshi Nakamoto, naka-imbento siya ng currency system na solusyon dun sa mga money issues — ang Bitcoin, ang pinakaunang cryptocurrency na na-develop nung 2008.
Ano ba yung Bitcoin?
Sabi sa bitcoin.org:
Bitcoin uses peer-to-peer technology to operate with no central authority or banks; managing transactions and the issuing of bitcoins is carried out collectively by the network. Bitcoin is open-source; its design is public, nobody owns or controls Bitcoin and everyone can take part.
Peer-to-peer technology, meaning direct transaction between one point and another point (pwede rin siyang tawaging “point-to-point”). Ibig sabihin, walang third-party involved. Ummm, 'lam mo yan…
Sa usapang cryptocurrency, walang bangko o government na involved. Hindi na kailangan ng central authority. Kaya ang tawag sa ganitong system ay “decentralized.”
O ‘di ba, hindi magulo pag walang third-party? Ummm, naka-relate na naman!
Kaya lang naman nagkaka-third party e dahil sa trust issue. (Pera pinag-uusapan natin ha…) Sa centralized system kasi, yung trust ay nasa bangko o government. Sa decentralized system, nawawala na yung trust issue kasi base siya sa mathematics.
Magkaka-trust issue ka pa ba sa 2+2 equals 4? Hindi, kasi nakabase siya sa formula.
Ganun rin sa cryptocurrency, built-in na yung formula sa system kaya no need for a third-party to control and manage the transactions.
Bale eto yung formula:
Ngayon alam mo na kung bakit nag-hahang yung PC mo?
Ayaaan… So, kung sa bangko ang record of transactions ay napupunta sa ledger, sa cryptocurrency naman, ang mga transactions ay napupunta sa tinatawag na block.
At bawat transaction (block) ay recorded and added to the network of blocks known as “blockchain.”
Ganito yung simpleng analogy: bitcoin yung pera, blockchain yung ATM network.
Very secure yung mga network transactions dahil lahat ng information ay encrypted using cryptography, kaya siya tinawag na “crypto” currency. Kaya imbes na ATM card, ang pang-access mo ay crypto “key,” mga alphanumeric codes na maaassign sa’yo as your digital wallet address.
Yung network is composed of computers known as nodes na nag-pprocess ng transactions. Sa Bitcoin, ang tawag dun sa process ay “mining.” At kapag successful yung process, ang reward ay yung bitcoin.
Blockchain Technology
Salamat naman sa Bitcoin network sa paggamit niya ng blockchain kaya nauso ang technology na ‘to.
Matagal na siya actually sabi dun sa isa ko pang napanood na docu, The Blockchain and Us. Since 2007 pa e ginagamit na ‘to sa Estonia for safety and privacy against cyber attacks. Ginagamit rin nila ‘to sa kanilang healthcare system. Sa Dubai naman, widely-used rin ang blockchain technology for government transactions. At sa China, para sa supply chain ng kanilang food industry.
Eto yung sabi ng mga business experts at visionaries about blockchain technology:
Mas sumisikat lang siya ngayon dahil sa cryptocurrency.
At nung 2013 nga ay sumunod sa yapak ng Bitcoin bilang blockchain platform sa crypto industry ang pinakaunang “altcoin” (alternate coin) na Ethereum. Nakita kasi ng founder at developer nito na si Vitalik Buterin na may improvements pang pwedeng idagdag sa Bitcoin network.
Isa na dyan yung pagdagdag ng tinatawag na “smart contracts.” Kung ang Bitcoin ay platform for decentralized payments, yung smart contracts ay para naman sa iba pang application na gusto mong ma-achieve using blockchain technology.
Contract, as in kontrata or agreement between two parties. Pero dahil nga decentralized (walang third-party), built-in na rin siya sa design ng network. Kumbaga siya yung “software program” na nagpapatakbo ng mga processes na gagawin ng mga computers sa blockchain network.
So, ang Ethereum ay mas maituturing na blockchain platform kesa cryptocurrency. Ang currency niya talaga ay yung ether (ETH). Sa Bitcoin platform, ang currency ay bitcoin (BTC). Magkaiba yung platform at yung coin. Platform yung nagpapatakbo ng processes (transactions), coin (o token) naman yung processing fee. Gets?
Kung sa Bitcoin ay purely for processing payments lang, sa Ethereum marami pang ibang applications ang pwedeng ma-process ng blockchain platform. Sila yung tinatawag na DApps, o decentralized applications. Sila na yung mga real-world applications na magagamit natin as platform users or clients.
Dito na nagsimulang mag-evolve yung blockchain technology sa crypto industry para sa iba’t-ibang applications. Dyan na nagtuluy-tuloy ma-develop ang iba pang mga cryptocurrency (altcoins) na i-eexplore natin sa susunod na article.
Ito yung pagbabasehan natin para mas educated yung mga financial investments na pag-uusapan natin next time.
Sign-up ka lang below para ma-update kita pag na-publish na yung next article. I-sshare ko dun yung mga investment strategies para ma-maximize yung earnings natin.
For now, suggestion ko is to educate yourself. DYOR – do your own research, ika nga. I-familiarize mo yung sarili mo sa mga crypto terms at trading concepts para pag nakabasa ka ng ibang articles o makapanood ka ng mga YouTube tutorials e mas makaka-relate ka na sa mga sinasabi nila.
Eto, pwede mong gawing reference: Crypto Dictionary >>
At ngayon, isshare ko naman kung paano mag-open ng account sa PDAX para ma-experience mo na yung mga napag-usapan natin. When it comes to learning, nothing beats experience.
No worries, dahil ang PDAX ay accredited ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya legit ang mga transactions dito.
Recently lang, ni-launch nila yung kanilang mobile app na mas madaling gamitin kesa dun sa website.
Etong si Maui ng Digital Biz channel ang highly-recommended ko for Pinoy crypto tutorials. Let’s watch and learn:
Madali lang ‘di ba?
O, ngayon naman, ipapakita ko yung sa website desktop version.
So una, punta ka sa pdax.ph, then click CREATE ACCOUNT
Fill-out mo lang yung fields and submit yung mga requirements (Government ID at selfie. Hehe, yup, required na ang selfie sa KYC, know-your-customer requirements.)
After ma-verify yung account mo, maganda rin kung i-enable mo na yung 2FA or 2-Factor Security by installing Google Auth or Authy app sa phone mo. Pag naka-login ka na, ma-aaccess mo na yung dashboard mo.
Makikita mo dyan yung YOUR PORTFOLIO in total at yung digital assets (cryptocurrency) at fiat currencies (peso) balances mo.
Makikita mo rin dun sa gitnang baba yung % DISTRIBUTION ng portfolio mo. Lalabas dyan yung mga nabili mong cryptocurrency, kung magkano yung nasa PRIMARY (digital wallet) at nasa EXCHANGE (pang-trade).
Next, punta ka sa FUNDS tab:
So, first step: Payment In – dito ka mag-ccash in or top-up ng balance mo using different payment options available. Dito ka rin mag-dedeposit from another exchange or digital wallet.
Simulan mo with smaller amount muna, P500 or P1,000 or P2,000. Basta yung amount na kumportable ka. Para lang magamay mo sa una. Tapos, pag gamay mo na, pwede mo na taasan yung mga deposits mo sa susunod.
Pag cnlick mo sa Digital Assets, example BTC, lalabas yung digital wallet address mo. Eto yung alphanumeric key na i-ccopy and paste, or QR scan mo sa mga future transactions (turo ko sa’yo next time). ‘Di mo pa agad yan gagamitin sa ngayon. Para lang yan makita mo yung itsura ng digital address.
Next, Transfer Funds – Click mo yung PHP, then Transfer from Primary to Exhange yung amount na gagamitin mo for buying crypto. FREE lang yung mga internal transfers.
After buying, click ka naman sa BTC or other cryptocurrency na meron ka to Transfer from Exchange to Primary yung amount for withdrawal. Pipili ka kung 25%, 50%, 75%, o 100% of your funds yung i-ttransfer.
Payment Out – pag mag-ccash out ka naman or withdraw to another exchange or digital wallet. ‘Di ko na muna ‘to ituturo since for long-term investment ang gagawin natin kaya wala munang cash out, k? Remember lang na kailangan mo munang i-transfer yung funds from Exchange to Primary bago ka makakapag-withdraw.
And lastly, yung TRADE window. Dito ka mag-ttrade (buy&sell) ng cryptocurrency. Very user-friendly at basic lang yung sa PDAX, which is ideal for beginners and investors like us.
Para sa tutorial kung paano mag-buy and sell, ibabalik ko yung mic kay Maui:
Ayaaaan, dyan rin ako nagsimula. Kung napansin mo, ang laki na nang pinagbago sa value ng BTC kumpara sa value niya ngayon. Proof yan na malaki ang earning potential sa pag-iinvest sa cryptocurrency. Although, mataas rin yung risk of loss niya. High-risk, high-reward.
Pero, don’t cha worry. Sa next article, i-sshare ko yung mga investment opportunities at strategies para ma-minimize yung risk at ma-maximize yung earnings natin.
Exciting 'di ba?
So kung hindi ka pa nakapag-subscribe, sign-up ka lang below para updated ka sa cryptocurrency at iba pang tips to grow your money.
Magpapayaman tayo hindi lang sa pera, kundi lalo na sa saya!
Happy New YOUUUU!!!
Hanggang sa muli,
LIVE. LOVE. LAUGH!
Fred