Nabuhay na naman ang dugong crypto ko matapos ma-reach ng Bitcoin ang $100,000 value nung December 5, 2024. To the moon future na talaga!
By the way, kung hindi ka pa pamilyar sa cryptocurrency at nabalitaan mo lang ‘to dahil sa hype, makabubuti kung babasahin mo muna yung nauna kong post about dun. Read here >>
Importante yung kaalaman na yun para mas ma-gets mo yung mga cryptocurrency terms and concepts.
Hindi 'to financial advice at hindi rin ako financial adviser. Magandang lahi lang ang maipapangako ko sa’yo. Char!
I've been in the crypto space since 2020. Sa maiksing panahon, marami akong natutunan. Para sa 'kin, yun ang mas mahalaga kesa sa financial gains at losses – yung mga lessons.
Speaking of which, first lesson is obvious pero worth reiterating: stay away from sh*t coins. Eto yung mga hype lang, biglang sumusulpot tas bigla ring mawawala.
Iba pa 'to sa meme coins, na hindi ko rin ma-rerecommend lalo na kung base lang sa tweet ni Elon Musk.
Second lesson is yung mas challenging: maraming magagandang projects sa crypto, pero hindi lahat worth investing – at least for now.
Just like traditional start-up enterprises, marami sa kanila ang mag-ffail.
Maganda yung intention, like yung mga pro-enviroment at mga mission-driven projects, pero dahil sa maraming factors ay hindi nag-mamaterialize. Right reasons, maybe not just the right time.
And lastly, at pinaka-importante, yung FOMO (fear of missing out) investing. Don't invest in fear.
Which brings us to our Top 1 Alt Coin...
Litecoin (LTC)
Kung Bitcoin ang digital gold, Litecoin naman ang digital silver.
At super undervalued pa ng asset na 'to ngayon, kasi lahat ng atensyon e nasa Bitcoin pa.
Which also answers the common question: is it too late? No, kasi nandyan pa ang Litecoin.
At hindi lang store of value maituturing ang Litecoin. May actual use siya as a digital currency, meaning ginagamit siya for real money transactions.
Yan ang reason kung bakit na-push magkaroon ng Litecoin ETF to make it available for consumer and institutional investors.
Eto yung nalagay dun sa statement sa Litecoin publication, kung saan binanggit na rin yung reasons why Litecoin is a top choice.
- Litecoin, which celebrated its 13th anniversary on October 13th, is the longest-running blockchain with 100% uptime, a remarkable achievement.
- Litecoin usage is at an all time high, with over 77 million transactions so far in 2024 (as of Oct 11th) up from a record 67 million in 2023.
- Built on a similar codebase to Bitcoin, reinforcing its position as a secure and non-security asset.
- In technical details, the Litecoin main chain shares a slightly modified Bitcoin codebase. The practical effects of those codebase differences are lower transaction fees, faster transaction confirmations, and faster mining difficulty retargeting. Making LTC a leading solution for many of Bitcoin's problems, including micro-transactions and remittances.
- Creator Charlie Lee remains heavily involved in Litecoin, and has made several contributions to the code and broadly to improvements in the crypto space (most notably SegWit and MWEB).
- Litecoin has been the #1 crypto of choice for real world payments with one of the largest payment processors, Bitpay, all year. Comprising more than a third of all their transactions.
- Litecoin is available on almost every crypto exchange, wallet and crypto payment provider and is 2nd in availability across crypto ATMs. LTC is also available on:
Most notably, Paypal (one of only four offered)
Recently added to Fidelity's 'Digital Assets' (one of only three offered)
Bet ko talaga 'to this coming 2025! At for the long-term na rin. Maliwanag ang future ng "light" coin.
How to Buy Litecoin (LTC)
Easiest and best option for me is GCash, kasi integrated na yung PDAX platform sa GCrypto app. Super convenient ng cash in and cash out process, yung pag-convert from PHP to crypto and vice versa.
Eto papakita ko sa'yo:
Cash in muna tayo from GCash to GCrypto (read photo caption). Eto yung pang-buy mo ng crypto coin.

Step 1: Top Up Trading Wallet

Step 3: If that's your final answer, click PAY

Step 4: Search for LTC sa search bar

Amount of LTC na ma-rereceive mo

Congratulations! Mayaman ka na

Step 2: Enter your desired amount to buy

Yown! May laman na wallet mo

Step 5: Click BUY (see coin value pagbili mo)

Step 6: Bilis magbago ng value no? G lang!

Bumaba value dahil sa fees (OK lang yan)
Oh, 'di ba? Madali lang yumaman... wait ka lang ng 10 years.
So, bale sa 2035 ko na pala ituturo yung pag-cash out... 'De, anytime pwede kang mag-cash out. Halos same process lang, tas click mo lang yung Withdraw. Yun na!
Next up is my favorite...
Cardano (ADA)
Sa sobrang fave ko nito, e may ginawa akong hiwalay na article dedicated for Cardano. Basahin mo dito >>
At mas lalo pang tumaas kumpyansa ko sa ADA after ng partnership ng Cardano with Bitcoin. Sa madaling sabi, magagamit na yung Cardano blockchain for Bitcoin transactions, particularly DeFi (decentralized finance) application.
Yung high-energy consumption and high-transaction fee issues ng Bitcoin e ma-sosolve na using Cardano network. Win-win!
At ang marites pa nga e posibleng magkaron rin ng collaboration pati sa iba pang mga crypto networks like Solana, XRP, including yung susunod nating top choice na altcoin...
Holochain (HOT)
Kung cryptocurrency is the future of money, etong Holochain ang future of internet.
“The Sleeping Giant” ang tingin ko dito. In terms of technology kasi, much better siya than blockchain. Kaya nga ang tagline nila ay “Think outside the blocks.”
Para magka-idea ka, tingnan mo ‘tong illustration for comparison:

Ayan, kung mapapansin mo, ang ganda ng formation nung sa Holochain. Nagandahan lang pala sa formation…
So, alam na natin na hindi maganda yung centralized (na na-discuss na natin before) at ito na nga yung inimprove ng blockchain by decentralizing the system.
Ang limitation lang ng blockchain is yung scalability dahil yung bawat transaction (or data) ay kailangan ma-verify ng bawat nodes or blocks sa network. Meron siyang consensus, meaning may agreement among the nodes. Data-centric or network-centric ang blockchain.
Yung Holochain walang consensus. Kung si user A ay may transaction with user B, hindi na kailangan ng verification by user C, D, E, and other users. Peer-to-peer talaga in its truest sense. User-centric ang Holochain.
So dyan pa lang malalaman mo na kung sino ang lamang sa transaction speed at scalability. Lalo na scalability kasi as the network grows, mas mararamdaman mo yung difference nila. Kaya usually, nagkakaroon ng congestion issues sa blockchain. Sa Holochain, walang ganun mars.
Pero ang talagang nag-seal the deal sa akin ay yung the man behind Holochain – si Arthur Brock. Marami akong pinakinggang interview niya at nag-resonate sa akin yung mga philosophy niya, especially around money.
Tulad ng natutunan ko sa The Soul of Money, tumatak sa akin yung pananaw niya sa money as form of currency. “Current-see,” ganun daw natin tingnan ang money, like current na nag-fo-flow sa river of life.
And speaking of currency, #1 lang naman ang Holochain sa RDA index, o yung ratio ng market value versus intrinsic value, na measure para malaman kung for the win ba yung investment or waley.

Sleeping giant talaga. Hidden gem pa. 'Di natin namamalayan na yung makabagong internet na ginagamit natin is using the Holochain network na pala.
CoinMarketCap info: HOT (soon becoming Holofuel)
Where to buy: Binance
At yan ang aking top altcoin choices for 2025 at siguro for the years to come na rin.
But wait, there's more!
May pa-bonus pa 'ko sa'yo...
Literal na bonus, kasi using this platform, you will earn up to 12% interest on your crypto investments.
At yan naman ang...
Nexo
Mag 4 years ko na 'tong ginagamit at so far, so gooood. No issues sa cash in or cash out.
Legit yung 12% interest (as a Platinum user), paid daily!
Flexible pa kasi pwede mong piliin yung interest, either paid in the same crypto (example kung BTC deposit mo, interest earned is paid in BTC rin)... Or paid in NEXO (may sarili rin siyang token, nasa top 150 rin yan sa rankings, pak!).
Ang ginagawa ko, ina-alternate ko sila depende kung bear or bull market. Pero either way, may earnings ka pa rin just by hodling.
Bukod sa capital gain nung coins, may passive income ka pa!
Okay ba, o okay na okay? Power! (naging networking na, haha!)
Kaya G na! Unlock mo na rin yung power ng crypto mo sa Nexo.
O yan, baka sumobrang yaman ka na ha!
Basta always remember, at the end of the day, yung peace of mind pa rin ang pinaka-mahalagang asset na meron tayo.
Kaya iinvite na rin kita to invest in peace sa ating A Course In Miracles self-study.
Yan ang sikreto ng mga may diamond hands: inner peace.
Pag peace ang pundasyon, siguradong to the mooooon!
Maraming salamat sa pagbabasa.
Hanggang sa muli,
LIVE. LOVE. LAUGH!
Fred