December 16

Caroling Tips

0  comments

Thaaaank you... Thaaaaank you... Ambabait ninyo, thank you!

Sounds familiar?

Ngayon, bihira mo nang maririnig ang mga tinig na yan sa lansangan kapag magpapasko. Noon, walang kupas yan. Kahit ilang beses nang pinatawad taon-taon, ginagawa pa rin naming mga bata ang nakasanayan nang tradisyon tuwing kapaskuhan – ang pag-ca-caroling.

Kung sa ordinaryong araw ay uwian na pagkatapos ng laro, sa panahon ng kapaskuhan ay walang curfew. Sabagay, wala naman talaga kaming curfew noon, parang meron lang, kasi yung mga bata nasa loob na ng bahay bago mag alas-siyete. Pero dahil may jamming pa sa kalsada, parang bumabagal
ang oras sa gabi.

Magtitipon ulit kaming magkakaibigan* sa tagpuan dala ang malulufet naming musical instruments – ang tambol na lata, yung kakaubos lang na Nido, at ang tambourine na yari sa mga pinitpit na tansan. Pwede yung sa softdrinks, pero malamang na mas marami kang makukuha sa mga natunggang bote ng beer.

*Usually, dalawa lang kami

caroling tips

At dahil ilang taon rin akong nakahawak ng tansan tambourine, hindi ko na ito ituturo sa inyo. Pero mabibigyan ko kayo ng ilang tips para maging malufet ang inyong caroling experience:

Caroling Tips

  1. Limitahan ang caroling members sa tatlo: isang tapat na kaibigan, ikaw, at yung kapatid mo. Mas konti, mas malaki ang partihan sa koleksyon. Mas malaki mapupunta sa inyo kasi may kapatid ka. Sige, pwede rin magsama ng isang pinsan, basta kamag-anak para lamang pa rin sa hatian. Yung isasamang kaibigan, siguraduhing matapat para hindi ka malamangan.
  2. Abisuhan nang mas maaga yung mga kalaro, magpa-reserve ka na kumbaga. Gumamit ng matatamis na salita para mas mataas ang tyansang malaki ang makukubra mo. Huthutan mo na kumbaga, “Uy, ‘lam mo, may nagkaka-crush sa’yo… mamaya mangangaroling kami sa inyo para makilala mo siya…” Dito ka matutulungan ng pinsan mo.
  3. Gumawa ng caroling schedule plan. Wag araw-arawin ang mga kapitbahay para hindi rin kayo gabi-gabi patatawarin. Remember, Christmas is a time for forgiveness. And forgiveness is the key to happiness. So, hindi naman talaga sila barat, timing lang. Tsempuhan nyo yung mga kakagaling lang ng simbang-gabi.
  4. If forgiveness is the key, we are the doorbell. Ibig sabihin, ipagbigay alam sa may bahay na nangangaroling kayo. No awareness, no change. At sundin ang pattern ng interlude kada dalawang kanta. Parang katulad yan sa videoke, merong “Are you having fun?” Sample: Ang pasko ay sumapit… Tayo ay mangagsi-awit… (Are you having fun?)
  5. Gumawa ng priority list. I-prioritize ang mga bahay na bongga sa Christmas lights at decors. Unahin yung mga may electronic parol at may mga Christmas statues o figurines sa labas ng bahay tulad ng belen with the angels, o yung lifesize na Santa Claus with his reindeers. Malaki bigayan dyan. Kung tanaw yung loob ng bahay, sipatin nyo rin kung may Christmas tree. Pasok rin sila sa listahan.
  6. Wag maintimidate sa mga bahay na may nakalagay ng karatulang “Beware of Dogs” sa kanilang gate. Take the risk! Dahil kung may breed yung dogs, ideal candidate yung may bahay. Tiyak na tatahulan kayo nung dogs nila. Pero dahil masakit sa tenga yung kahol ng aso, tapos nasamahan pa ng boses nyo, aba’y baka hindi nyo pa tapos yung unang kanta e bigyan na kayo ng Aguinaldo.

At yan, boys and girls, ang mga carolings tips na subok na ng panahon – noong panahon ng dekada 90's, na inyo ring mababasa sa aking libro na Ganito Kami Noon.

So, paano, next time na lang ulit.


Ito po ang inyong kapitbahay na nagsasabing:

PATAWAD!

live love laugh ebook pack
{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tags

ganitokaminoon


You may also like

Half-Close, Half-Open

Half-Close, Half-Open
>
Mabuhay!

Mabuhay!

Fred here :) Sign up to receive
more inspiring articles from me.

Thank you! :) Please check your e-mail.