March 21

Anger: My Greatest Teacher

0  comments

Last Friday, March 12, 2021, nagka-surprise exam ulit ako sa buhay from my greatest teacher — si Teacher Anger.

Again, I failed.

Eto yung naging resulta:

teacher anger

Dala ng galit, ginawa kong punching bag yung sofa namin.

Nagkasakit kasi si Scout, yung golden retriever namin. Nagkaroon siya ng cancerous tumor (bukol) sa left hip niya tapos nagkasugat.

Dahil sa pagod sa pag-asikaso kay Scout at frustration sa sitwasyon niya, na-trigger ako nung pinag-uusapan namin ni Mama kung ano yung gagawin.

Ayun, ‘di ko na napigilan yung emosyon ko. Naghanap na naman ng lalabasan. Kaso hindi maganda yung kinalabasan.

Hindi ito yung unang beses na nangyari yung ganun. Kung tama ang memory ko, nagsimula ‘to nung college pa lang ako. Una kong napagdiskitahan yung sira naming lababo dun sa dati naming inuupahang bahay. Ayun, napiyaot. Hnulk-smask ko.

Pero kahit na nagiging si Incredible Hulk ako pag nagagalit, never akong nakapanakit ng tao. Laging sa mga non-living things ko lang nilalabas yung galit ko. At sa bahay lang.

Kaya nga tuwing pagtapos ng ganung insidente, gusto kong magpakalayo. Iniimagine kong pumunta sa mataas na bundok at doon ako sisigaw nang napakalakas para ilabas lahat yung emosyon ko.

Para kasi sa ‘kin, tulad ng ibang human emotion, ang anger kailangang ma-express. Valid siya na human experience. Lahat ng tao nakakaranas ng galit, magkakaiba lang yung expression natin.

At dun pumapasok yung challenge — sa expression. Repression kasi yung natutunan nating gawin. Hindi lang sa anger, kundi pati sa iba ring human emotions. Kaya ayun, yung repression nagiging depression.

Isa sa mga natutunan ko yung emotional scale. Makikita dun yung iba’t-ibang levels ng emotion. Nasa pinakababa yung depression. Kung doon ka manggagaling, hindi ka makakalaktaw ng levels. Hindi ka mapupunta sa Joy, Love, at Happiness agad-agad. Dadaanan mo muna yung ibang emotions — isa na dun yung anger.

Anger is the Voice of Fear

Eto yung main lesson na natututunan ko: Anger is the voice of fear, screaming — inside you.

Voice siya kaya dapat nabibigyan ng expression. Malaking factor ‘to nung magkasakit ako ng hyperthyroidism dati. Yun ang spiritual cause niya: unexpressed emotions, lalo na yung anger.

Para akong aktibong bulkan na naging dormant nang matagal. Kaya ayun, kapag nati-trigger, na-aactivate — nagkakaroon ng mga eruptions. Lumalabas yung alter-ego ko, the dark side of my personality.

teacher anger hulk

Yung ego is the unconscious part of our psyche (or personality). Lahat ng tao merong ego, pero hindi lahat ay aware. Magiging aware (conscious) ka lang of your ego after your spiritual awakening. Lahat ng souls dumarating sa stage na yan. Kung hindi man sa lifetime na ‘to, sa susunod.

BTT (Wow, millennial?!) haha. Back to topic…

Sabi dun sa podcast na napakinggan ko, hindi siya tungkol sa pag-iwas na ma-press yung buttons mo. Ang kailangan ay mag-heal ka para wala nang buttons na ma-press.

Dalawang bagay yung nakatulong sa ‘kin para mag-heal: meditation at writing. Meditation para sa self-awareness at writing para sa self-expression.

Sa katunayan, one time, nakapagsulat pa ako ng poem after an incident in year 2016 — Retrograde.

Although malaki na improvement ko since the first incident nung college ako, hindi ko pa rin mamaster yung subject na anger. Siguro from palakol na grade of 70, ngayon nasa 80+ na. Minsan, nakaka-90 ako pag talagang sobrang aligned ako AF (feeling millennial talaga!?!).

Pero bumabagsak pa rin ako from time to time. I’m not proud of it, but I’m also not ashamed.

Laging sinasabi sa ‘kin ni Mama, kailangan ko raw baguhin yun sa sarili ko. Pero para magbago, kailangan ko munang matanggap ‘to kasi parte rin ‘to ng pagkatao ko.

Mas kailangan ang self-love sa mga parte ng pagkatao mo na mahirap tanggapin.

And I’m still learning.

Teacher Fred… Fred Rogers

When the student is ready, the teacher appears… na naman.

At ang timing, napakahusay!

Nung kinagabihan kasi naghanap ako ng mapapanood sa Netflix. Naalala kong panuorin yung nasa watchlist ko: A Beautiful Day in the Neighborhood (based on true story).

a beautiful day in the neighborhood

Hulaan mo kung anong tema ng pelikula?

Anger.

At makalipas lang ng ilang opening scenes, aba, etong character ni Tom Hanks na si Fred Rogers e nagbitaw ng mga linya habang nakatingin sa camera:

“Have you ever felt the way Lloyd* does? So angry you want to hurt someone?... Or yourself?”

*Si Lloyd yung lead character sa story.

Teka, ako ba kinakausap nito? Para sa ‘kin ata ‘tong pelikulang ‘to ah.

True story nga. Sobrang naka-relate ako sa message nung movie. Parehas kami ni Lloyd na may anger issues. Si Fred yung naging teacher niya. Pero si Fred rin pala ay minsan rin naging estudyante ni Teacher Anger. Nagka-anger issues rin siya before. Sana all lang?

Every teacher was once a student. Every master was once a disaster.

Pagdating sa climax, nagkaroon ng realization si Lloyd. Sabi niya, “When I’m scared… I get really angry.”

Woooaaaaah… Na-AHA moment ako dun.

“When I’m scared… I get really angry.”

Anger is the voice of fear.

Dun nag-sink in sa ‘kin yung lesson from my experience. Nagalit ako kasi deep inside natakot ako.

Natakot ako na mawala si Scout... Nawala kasi si Duke (dati naming aso) dahil sa sakit rin. Si Papa nawala rin dahil sa cancer.

Yung naramdaman kong galit ay dahil pala sa takot.

“When I’m scared… I get really angry.”

Anger is the voice of fear.

And fear is a call for love.

Anger is the voice of fear calling for love.

Salamat, Teacher Anger, for the lesson.

Alam ko hindi pa ito ang huling beses. Marami pa akong kailangang matutunan.

I will get better in time.

At sa susunod nating pagtatagpo, it will be a beautiful day in the neighborhood.

teacher anger


Maraming salamat sa pagbabasa.

Hanggang sa muli,

LIVE. LOVE. LAUGH!

Fred

live love laugh ebook pack
{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tags

healing


You may also like

ACIM Self-Study: Introduction

ACIM Self-Study: Introduction
>
Mabuhay!

Mabuhay!

Fred here :) Sign up to receive
more inspiring articles from me.

Thank you! :) Please check your e-mail.