Ano ba yung miracle? Siguro, ang unang papasok sa isip mo e yung mga extraordinary na pangyayari, yung mga imposibleng mangyari pero nangyayari.
At si Jesus rin siguro ang unang maiisip mo kasi master siya ng miracles. Kaya naman siya ang teacher natin sa A Course in Miracles.
Pero hindi yung mga miracle acts ang ituturo niya sa atin dito, kundi yung mga principles of miracles kaya nangyayari sila. Ang gusto niyang matutunan natin ay yung cause, hindi yung effect.
Sa Chapter 1, may 50 princples of miracles na nakalista. I-highlight ko yung iba dito:
3. Miracles occur naturally as expressions of love. ²The real miracle is the love that inspires them. ³In this sense everything that comes from love is a miracle. (ACIM, T-1.I.3:1-3)
Love yung cause. At ang natural effect niya ay yung miracles.
Kaso kadalasan, nababaliktad natin. Nagiging cause natin yung expression, hoping na ang makuha nating effect e yung love.
Hindi tayo aware na ang cause ng expression natin ay idea lang pala natin of love. Sabi nga natin sa intro, everything that’s not love is just an idea.
11. Prayer is the medium of miracles. ²It is a means of communication of the created with the Creator. ³Through prayer love is received, and through miracles love is expressed. (ACIM, T-1.I.11:1-3)
Prayer, eto yung pang-communicate natin kay God. Sa prayer natin nare-receive yung love from God at nagiging channel tayo for miracles, yung expressions of God’s love.
20. Miracles reawaken the awareness that the spirit, not the body, is the altar of truth. ²This is the recognition that leads to the healing power of the miracle. (ACIM, T-1.I.20:1-2)
Mahalagang principle ‘to na uulit-ulitin natin all throughout the course. Eto yung principle behind sa mga miraculous healing ni Jesus. Nare-recognize niya na we are not the body.
38. The Holy Spirit is the mechanism of miracles. ²He recognizes both God’s creations and your illusions. (ACIM, T-1.I.38:1-2)
Kung si Jesus ang teacher ng A Course in Miracles, yung Holy Spirit naman ang course curriculum. Sa tulong ng Holy Spirit, matututunan natin yung true at false, kung ano yung totoo at ano yung ilusyon lang.
46. The Holy Spirit is the highest communication medium. ²Miracles do not involve this type of communication, because they are temporary communication devices. ³When you return to your original form of communication with God by direct revelation, the need for miracles is over. (ACIM, T-1.I.46:1-3)
Yung Holy Spirit ang permanent line of connection natin to God. Hindi yun napuputol, ever. Pwedeng matabunan o mabarahan pero hindi napuputol.
Nung dumating tayo dito sa mundo, nalimutan natin yung connection na yun. So yung miracles ang means para manumbalik yun sa awareness natin.
49. The miracle makes no distinction among degrees of misperception. (ACIM, T-1.I.49:1)
Ang miracle ay shift in perception. Pero hindi siya maraming shift, kundi one shift lang. From fear to love, yun lang.
Pero yung fear kasi marami siyang illusions (degrees of misperception) kaya mukha siyang marami.
Sa mga susunod na posts, titingnan natin yung mga illusions na yun at dun natin matutuklasan na iisang error lang pala ang pinagmulan nilang lahat.
Ang article na 'to ay part ng A Course in Miracles (ACIM) Self-Study Series. Go to main page >>
Sign up below to receive the lessons straight to your e-mail.