⁶The course does not aim at teaching the meaning of love, for that is beyond what can be taught. ⁷It does aim, however, at removing the blocks to the awareness of love’s presence, which is your natural inheritance. ⁸The opposite of love is fear, but what is all-encompassing can have no opposite. (ACIM, T-in.1:6-8)
May iba-iba tayong interpretation kung ano ba yung love. Pero lahat yun ay ideas lamang about love. Dahil ang love ay beyond ideas.
Ang totoo, yung mga ideas pa nga ang sumasagabal kaya hindi natin ma-experience fully ang love.
Kasi the moment na ininterpret mo ang love base sa mga ideas, o anumang meaning ang binibigay mo sa kanya, nililimitahan mo na agad yung love, which is limitless.
Actually, ang nalilimitahan lang naman ay yung awareness mo of love, not love itself. Dahil love is all-encompassing, o sa madaling sabi, love is everything.
“What is all-encompassing can have no opposite.” Gamit tayo ng analogy for all-encompassing.
Pag dito sa Earth, kita natin na may langit at lupa, may itaas at ibaba, may opposites.
Pero pag tiningnan mo yung Earth from outer space, may idea ka pa rin ba kung anong part yung itaas at ibaba? Wala na, isang buong bilog na lang ang nakikita mo. Wala nang opposites.
Ganun rin yung love, parang isang buong bilog siya. Walang opposites. Yung itaas at ibaba, parehas lang silang love. Kahit saang side ka pa tumingin, lahat sila ay part ng love.
So, kung “the opposite of love is fear,” but love has no opposite, then paano nagkaroon ng fear?
Fear is the result of "a mad idea,” sabi nga sa A Course in Miracles. At eto yung idea that we are separate from God. Sino nga namang hindi matatakot sa idea na yun!
Sa mga susunod nating discussions, mas sisiyasatin natin yung sinasabi ng course about fear. Yup, kasi nga hindi maituturo yung love. Alam mo na yun, ‘di ka lang aware… hindi pa.
At pag nalaman mo na, wala na tayong pag-uusapan.
Because love is everything. Everything else is just an idea.
Ang article na 'to ay part ng A Course in Miracles (ACIM) Self-Study Series. Go to main page >>
Sign up below to receive the lessons straight to your e-mail.