Nakakatuwa nung last time na nag-Netflix ako, nakita ko may bagong series: Headspace Guide to Meditation. “Uy, nice! Meditation…” Tapos, pinireview ko:
Pamliyar yung boses... Isa siya dun sa pinapakinggan kong Daily Wellness playlist sa Spotify.
Galing, nasa Netflix na rin siya. Pero mas magaling kasi nagiging mainstream pa lalo yung meditation. At very inviting yung presentation, colorful at parang pam(pa)bata yung animation. Hindi tulad dati na intimidating pag sinabing “meditation.”
2013 nung una kong nasubukan ang meditation. Nagse-search kasi ako ng mga alternative treatments nung mga panahong yun. Bukod sa hyperthyroidism, grieving rin ako that time after ng pagpanaw ni Papa nung November 2012. So, not in good condition talaga ako nun. Hindi lang physically, pero mas lalo na emotionally, mentally, at spiritually.
Kaya lahat ng pwedeng subukan, sinusubukan ko. Isa dun yung meditation.
One night sa office, pagkatapos kong gawin yung mga routine tasks for the graveyard shift, pumwesto na ‘ko dun sa “entertainment” PC station.
Open TOR browser. Uhmmm, alam mo yan… Tapos, search “meditation Vishen Lakhiani.” Kilala ko kasi si Vishen, founder ng Mindvalley. Pero ako hindi niya kilala, founder ng… (update ko ‘to pag na-found ko na). Kaya siya ang sinearch ko para alam ko na maayos yung turo.
Eto siya:
Natapos mo? Ako hindi e… Nasa 3 minutes pa lang ako nun, phase 1 of 6 pa lang, nagtawag na yung mga ka-DOTA ko. Game na daw…
Kaya mamaya mo na rin tapusin, k? Tuloy ko muna yung sinishare ko sa’yo.
Game…
Para Saan Ba Yung Meditation?
O, nothing daw sabi ni Buddha. So, wag na natin siyang kulitin kasi wala na siya… Masaya na siya…
Kaya dun sa mga kilala ko na lang natin alamin, sina Rob at Rina.
Thought Awareness
Sabi ni Rob, isang network engineer at financial advisor na nakilala ko sa isang seminar, nung maka-attend siya ng isang meditation retreat, na-realize niya raw kung gaano karaming thoughts ang nasa isipan niya. At napansin niya na naging calmer siya at marami siyang naging deeper realization sa buhay.
Ayun, masaya na rin siya… Buhay pa si Rob ha! Baka kung anu-anong thoughts naisip mo dyan.
At yan yung isang main benefit ng meditation: nagiging aware ka of your thoughts. At pag aware ka of your thoughts, hindi ka nila nadadala basta-basta. Ikaw na ang magdadala sa thoughts mo. In other words, makokontrol mo ang pag-iisip mo, kasi yun lang naman talaga ang makokontrol natin — ang ating pag-iisip.
Halimbawa na lang ‘tong pandemic. Nakokontrol ba natin yung virus? Obviously, hindi. Kasi matagal na sanang tapos yung crisis kung kontrolado natin yung sitwasyon. Ang tanging kontrolado lang natin ay yung thoughts natin about the pandemic. At kung hindi tayo aware sa thoughts natin, which are mostly fearful thoughts, poreber tayong mabubuhay sa takot.
Pero pag may awareness ka of your thoughts, ma-re-realize mo na they are just thoughts. At pwede mong baguhin yung thoughts mo anytime. Yan ang isang main benefit ng meditation practice.
Mental Health
Yung isa ko namang friend na si Rina, meron siyang depression. Sinuggest ko sa kanya yung breathing meditation practice na shnare ko sa librong The Path to Awesomeness. After ilang days of practice, sabi niya nabawasan raw yung mga atake niya. Pag inaatake kasi siya, nasasaktan niya yung sarili niya nang hindi niya namamalayan.
May ilan pa ‘kong sinuggest sa kanya, pero sabi niya yung breathing meditation practice raw ang pinakamalaking tulong sa kanya.
Nakikita ko na she’s on her way to fully recovering from depression.
...
Hindi lang ‘to mga kwento. Hindi rin sila random results. Kapag sinearch mo sa Google, proven by scientific studies ang mga benefits ng meditation. At marami siyang practical application.
Dun sa Netflix series, nandun yung ilan sa kanila. Merong for stress relief, for letting go, for kindness, for anger management, etc. At baka madagdagan pa yan sa mga susunod pang season.
Napakarami na ngayong apps at platforms na available as resources for meditation practice.
Pero sa kanilang lahat, gusto kong i-emphasize yung pinakamahalagang nagagawa ng meditation practice para sa atin…
Connection
Yup, connection.
Anong kabaliktaran ng connection? Ammm, noitcennoc?
“Disconnection.” Parang yung notice ng Meralco.
Yan kasi ang pinaka-root cause of all human suffering. Next time na natin pag-uusapan nang mas malalim yung tungkol dyan kasi mahaba-habang usapan yan.
Basta for now yun na muna: disconnection is the root cause of all human suffering. Disconnection from God, disconnection from yourself, disconnection from other people, and disconnection from Meralco.
Speaking of Meralco, isipin mo na may dumadaloy na kuryente sa buhay mo. Kapag hindi ka nakasaksak sa outlet, hindi gagana ang buhay. Pag walang kuryente, walang ilaw. Madilim ang buhay.
Ang nangyayari pag nag-me-meditate ka, kumukonek ka ulit dun sa kuryente. Jumper ba, ganern. Tina-tap mo yung linya ng kuryente.
“Pero, Kyah Fred, ‘di ba illegal yung mag-jumper? Gawain yun ng jejemonyo! Tsaka sabi nila pag nag-meditate ka daw, bubulungan ka daw ng jejemonyo.”
Yan, yan… yan ang isang epekto ng disconnection. Madilim na pag-iisip. At side-effect ng madilim na pag-iisip yung all forms of violence sa mundo. Hindi yun kagagawan ng jejemonyo. “Jejemonyo” ay collection lamang ng dark thoughts na maririnig mong parang bumubulong sa isipan mo kasi nga magiging aware ka na sa kanila. Kaya mo sila “naririnig.”
Hahaha, laughtrip no? Ganyan ang magandang approach, light lang. Hindi kailangang seryoso. “Light” lang para magliwanag yung pag-iisip. En-light-enment. Nire-reconnect ng meditation practice yung naputol na kuryente para muling magka-ilaw (light) ang buhay.
Kaya nakakatuwa yung Headspace series sa Netflix, kasi light lang. Na-appreciate ko rin yung Netflix kasi ginagamit nila yung entertainment platform for en-train-ment. Meditation kasi is for training the mind.
Pero ang training na ‘to, walang special requirements. Hindi kailangang umakyat ng Mt. Everest para makapag-training. Ako nga, ‘di makapag-Indian sit eh. Pinoy sit, kaya ko, pero Indian sit, ‘di ako makatagal.
Wireless INNERnet
Every night bago matulog ako nag-me-meditate. Mag-ppray muna ako saglit, prayer of gratitude for the day, tsaka nag-ppray rin ako for guidance before meditation (para guided meditation pa rin).
Prayer is talking, meditation listening. Buo na ang connection. Upload yung isa, download yung isa. Connected na ako sa “Innernet.” At gabi-gabi akong nag-me-meditate para steady at consistent yung connection. Dahil consistent yung meditation practice, na-uupgrade yung bandwidth ng awareness ko.
Dati nasa 56kbps lang, ngayon siguro nasa up to 56Mbps na or more. Unlimited! Dun nanggagaling yung wisdom, yung creativity, yung healing, yung joy, yung peace, yung love.
Meditation ang totoong wireless connection.
Kaya meditation ang #1 self-love practice ko. Nag-me-meditate ako to connect to the love within myself. Pag connected ako with-in, connected rin ako with-out — sa outside world.
...
Back to you!
So, mam/sir, bale may inooffer po akong INNERnet plan noh, The Path to Awesomeness Starter Kit. Kasama na po dito yung breathing exercise, morning gratitude exercise, at yung meditation practice na tried and tested po by yours truly… at ng iba na rin po.
Kung gusto nyo po, mam/sir, download nyo po yung sample ng breathing meditation na kasama dun sa Starter Kit para masubukan nyo. Pa-fill up na lang nung form below to download.
Kung may tanong po kayo, comment lang po kayo sa baba nitong page.
Sige po, mam/sir, thank you so much po for your time…
Insurance, mam/sir, meron na po ba kayo?
Ay, sige po, next time na lang po ulit...
Ingat po and God bless po.
Your Jejemonyo,
Fred
Pa-fill out na lang po nitong form, mam/sir, for more self-love advice and practical tips po...