March 6

What is Cardano (ADA) and Why I’m Investing In It

0  comments

Nung nagsimula akong mag-research about cryptocurrency, madalas kong makita sa mga reviews yung ADA.

“Ano ba ‘tong ADA na ‘to?” naisip-isip ko. Kasi ang trip ko lang naman nun e yung Bitcoin (BTC) at Ethereum (ETH). At sila lang yung gusto kong pag-investan.

Kaso laging sumusulpot yung ADA sa eksena, lalo na kapag usapang Ethereum at mga altcoins (alternative coins).

Kahit nung nagkaron ng poll sa FB group ng PDAX (Philippine Digital Asset Exchange), nangunguna sa boto yung ADA.

Kaya nung sunod na sumulpot siya sa YouTube feed ko, sinearch ko na yung ADA.

Una kong nalaman ay yung ADA ang cryptocurrency (coin) ng Cardano (blockchain platform company) na founded by Charles Hoskinson, na dating kasama ni Vitalik Buterin sa pagbuo ng Ethereum.
charles hoskinson vitalik buterin

Vitalik and Charles in past life

Yup, may past sila. Umm, akala mo lovelife mo lang ang may past noh? Sa cryptocurrency rin, uso ang breakups. Magkaiba kasi ng direction yung gusto nilang tahakin kaya naghiwalay ng landas yung mga original founders ng Ethereum.

Yun pala yung dahilan kung bakit laging sumusulpot yung ADA sa usapang ETH. Mag-ex pala sila.

Moving on, nakapanood ako ng ilang mga videos, karamihan from a financial perspective at technological comparison na hindi ko naman masyadong ma-gets nung mga time na yun.

Ang gusto ko lang malaman e ano ba yung investment na makakapagbigay ng biggest gain or ROI (return of investment).

Kaya nung makita ko yung interview na Cardano, Hoskinson, aim high for Fortune 500, naisip ko, “Uy, mukang maganda bigayan dito… Fortune 500, mga yayamanin ‘to na kumpanya.”

Play video... Dun ko unang nakilatis si Charles. Galing magsalita, alam mong expert sa larangan niya. Kasi hindi naman ako geek, pero nage-gets ko yung explanation niya.

At pagdating sa 26 minutes, pumasok na sa usapan yung Africa. May larger vision pala ang Cardano.

Na-touch ako... Dito banda oh, sa chest part…

Kaya nag-research pa more ako. Pinuntahan ko yung website nila, cardano.org, at ito yung tumambad sa ‘kin…

cardano crypto

Awwwww, I’m so touched na talaga…

Kasi favorite color ko yung blue… Yung color talaga napansin at hindi yung message?

At unti-unti na ngang lumalim yung pagtingin ko sa Cardano. Binago nila yung pananaw ko about cryptocurrency.

We're Cardano, and if you'll permit us, we'd like to change the world. – Charles Hoskinson

Cardano and DeFi

Nung nakaraan, nalaman natin kung bakit cryptocurrency ang future of money. Pero paano nga ba mangyayari yun? Yun ang mission ng Cardano. Gusto nilang magkaroon ng real-world application yung blockchain technology.

Pakinggan natin si Charles tungkol sa vision nila for Africa:

So yung “Making the World Work Better For All” ay sisimulan ng Cardano sa Africa. Bakit Africa? Kasi karamihan sa kanila ay walang access sa bangko at iba pang financial institutions. Pero karamihan sa kanila ay may access sa internet at mga devices tulad ng smartphones para magamit ang technology ng Cardano.

Ideal ang Africa for setting up yung tinatawag na DeFi or “Decentralized Finance.” Remember ‘di ba ang isang key feature ng cryptocurrency ay decentralization? So, DeFi is finance without central authority — yung mga banks, government, at mga middlemen.

Lahat ng transactions ay managed at governed by the blockchain network like Cardano gamit yung “smart contracts” na built-in na sa platform. No need for a third-party.

In short, bawat isa ay magkakaron ng personal na bangko.

Yan ang misyon ng Cardano. At sisimulan nila yun sa Africa.

Galing no?

Kaya naman ‘di na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagsimula na akong mag-invest sa Cardano.

Why Invest in Cardano?

Simple lang, gusto kong yumaman!

Haha, pera rin pala ang habol andami pang sinabi. Syempre, kasama na yun dun. Pero mas nagkakaroon kasi ng saysay yung investment dahil alam mong nagagamit yung pera for a greater good kung saan lahat ay nakikinabang.

Ang pera kasi is just a tool. Pwede mo siyang gamitin for good or for something else. Ganun rin ang technology.

Kaya pinili kong mag-invest sa crypto kasi yung blockchain technology can provide solutions sa maraming problema sa mundo — una na nga dyan yung financial system natin.

atala prism cardano

atalaprism.io, Digital ID system built on Cardano network

Kaya naman Cardano kasi sila yung nakikita kong direktang hinaharap yung problemang yun. Kapag nagtagumpay sila sa Africa, edi malaki ang posibilidad na madala rin sa Pilipinas yung technology nila at ma-solve rin yung mga problema dito sa bansa.

Dahil decentralized, kaya nitong masolusyunan yung matagal nang sakit ng ating lipunan — ang corruption. Yan kasi talaga ang side-effect kapag may central authority. Lahat ng power at control napupunta dun sa sentrong yun.

liqwid defi cardano

liqwid.finance, DeFi (Decentralized Finance) application built on Cardano network

Ano pa? Yung mga farmers natin na naghihirap dahil napupunta lang sa middlemen ang malaking porsyento ng kita, magkakaron na sila ng fair share of profit. Pwede rin magamit yung blockchain technology sa distribution ng pondo ng mga farmers cooperative.

Ano pa? Yung proseso ng botohan, juskolord! Dahil base sa mathematics ang crypto technology, hindi yan kayang i-manipulate o dayain.

Napakaraming applications at napakalawak ng mga posibilidad.

Yun yung ilan lang sa mga pagbabagong hatid ng cryptocurrency. At kung Cardano ang makakapagdala nun, aba eh, tataya ako sa kanila!

Isa ako dun sa mga nagsabing “I came for the gain, but I stayed for the vision.”

Cardano Roadmap

Ngayong alam na natin yung mission at vision ng Cardano, alamin naman natin kung paano sila makakarating dun.

Dito na pumapasok yung isang importanteng aspeto kapag namimili tayo ng investment. Long-term investment gagawin natin kaya magandang malaman kung saan ba tayo papunta in 5 to 10 years.

Enter Cardano Roadmap:

cardano roadmap

As of March 2021, Cardano has entered Goguen Era

Mababasa mo in detail yung description ng bawat era sa roadmap.cardano.org, pero eto yung overwiew na nakasulat sa website:

The Cardano roadmap is a summary of Cardano development, which has been organized into five eras: Byron, Shelley, Goguen, Basho, and Voltaire. Each era is centered around a set of functionalities that will be delivered across multiple code releases.
While the eras of Cardano will be delivered sequentially, the work for each era happens in parallel, with research, prototyping, and development often in progress all at once across the different development streams.

Kapag nalaman mo ‘to, madadagdagan yung conviction mo for choosing Cardano at yung confidence mo sa pag-invest sa kanila.

Una, may mission at vision. Ngayon naman nakita natin yung plan kung paano magagawa yun. At may magaling na lider at team para i-execute yung plan.

Alam mong malayo ang mararating ng iniinvest mo. Ang maganda pa dun ay nasasabayan mo yung development ng Cardano. Habang nag-ggrow sila, nag-ggrow ka rin.

Isa rin ang Cardano sa may pinaka-aktibong community sa cryptocurrency space. Karamihan ay katulad ko rin who came for the gain, but stayed for the vision.

Sa lakas ng community support, nasa more than 70% ng ADA tokens ay naka-stake sa network, meaning naka-reinvest. Kaya nung time na kahit bagsak (“bearish”) yung crypto market, ADA lang yung naiwang patuloy na umaangat. Galing!
cardano coin ranking

As of Feb 2021... & a few moments later, nag-Top 3 na yung ADA

Dito sa Pilipinas, meron tayong local Cardano community. Join ka lang sa Cardano (ADA) Community Philippines. Healthy, fun, at informative yung mga discussions dyan. Kapag may mga tanong, maraming nag-sshare ng advice. Regular rin ang post ng mga latest updates. Mas enjoy yung investing journey kasi marami kang nakakasabay.

When and Where to Buy Cardano?

The best time to buy Cardano is 3 years ago. The second best time is NOW.

Regardless kung anong date mo binabasa ‘to, it’s never too late to invest in Cardano, especially kung 5-10 years naman yung investment plan mo.

Sabi nga ng mga eksperto, “It’s not about timing the market, but the time in the market.” Kung willing kang mag-invest for a long time, it’s always worth it in the long run.

Game?

May ilang options where to buy ADA, pero suggestion ko is thru Binance.com kasi yan rin ang personal kong ginagamit.
ada on binance

Use my referral code: C2MRUKIH

Eto nakita kong mga YouTube (Taglish) tutorial videos: How to Buy ADA and How to Stake ADA

Teka, baka nagtataka kung ano yung stake o staking. Yan yung way to earn passive income with Cardano. Parang katulad siya ng mining for Bitcoin.

Ang maganda sa Cardano ay eco-friendly ang staking process unlike mining — isang reason rin kung bakit mas preferred cryptocurrency ko ang Cardano — nag-aalign yung values nila sa ‘kin.

With staking, hindi lang ikaw ang nag-bebenefit from your passive income. Mas nasusuportahan mo rin ang iba pang ADA investors (“Hodlers”) at ang buong Cardano ecosystem. Win-win for all!

Winner talaga ang Cardano.

Pero yung pagkapanalo nila doesn’t make any other cryptocurrency a loser. Sabi nga ni Jerome, isang fnfollow kong YouTuber na dedicated to Cardano, ang cryptocurrency raw ay parang religion na pwedeng mag-coexist.

Kaya naman next time ay isshare ko yung iba pang cryptocurrency projects, mga altcoins na may malaki ring potential sa industry na kinabibilangan nila.

Subscribe ka lang sa blog ko para ma-update kita pag nag-publish ako ng mga crypto-related articles.

Orayt!

Maraming salamat sa ininvest mong time sa pagbabasa.


Hanggang sa muli,

Happy Investing!


LIVE. LOVE. LAUGH!

Fred

live love laugh ebook pack
{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}

Tags

cryptocurrency, empowerment


You may also like

Ganito Kami Noon… ni Scout

Anger: My Greatest Teacher

>
Mabuhay!

Mabuhay!

Fred here :) Sign up to receive
more inspiring articles from me.

Thank you! :) Please check your e-mail.