Skip to content

Person With Dreams

Napanood mo ba yang MMK episode na yan?

Ganda no? Sobrang nakaka-inspire.

Bago ang lahat, gusto kong batiin ang mga bumubuo ng MMK sa kanilang inihandog na kwento. Tita Charo, hi poh… Pwede po ba kayong makuhang ninang sa kasal?… Kay Nash, ang galing mo umarte! Buong episode kang nag-sign language, galing! Pag isinapelikula ang buhay ko, ikaw ang kukunin kong sidekick… At dun sa staff na nag-tiyagang lagyan ng subtitle ang mga dialogue, salamat po. Pag na-release worldwide yung pelikula ko, kayo na rin ang kukunin kong taga-subtitle…

Deaf Awareness Week pala tuwing Nov. 10-16 dito sa Pilipinas. Kaya sa ganitong paraan ko nais ibahagi ang aking suporta. Pero higit pa sa suporta ang sulat na ‘to, dahil lubos ang paghanga ko sa mga PWD. At kagabi, lalo pa akong nainspire sa kwento ni CJ Reynaldo (ung ginampanang role ni Nash).

Noon pa man ay hanga na ako sa mga PWD. Sa unang tingin, siguro nga nakakaawa ang kalagayan nila. Pero kung ibang perspective ang panggagalingan natin, siguradong mag-iiba ang paningin natin sa PWD. Titingalain natin sila.

Let me explain… (Pag nag-eenglish na ‘ko, kabahan kabagan ka na…)

PWD are great souls… (Yan na, yan na!)

Oo, soul. Yan talaga tayo. Bihis-tao lang tayo dito sa Earth.

At yung soul ni CJ, parang ganito ang naging usapan nila ni God sa Heaven bago sya pumunta sa Earth:

CJ: Lord, medyo matagal na rin akong tambay dito. Nag-eenjoy naman ako kaka-DOTA 8, pero baka pwede Nyo po akong bigyan ng totoong hero mission sa Earth.

GOD: Sure ka? DOTA 2 pa lang ang uso dun, okay lang sa’yo?

CJ: Sureness!

GOD: Hindi madali ang magiging mission mo, sure ka?

CJ: Bring it on! At para may extra challenge, papartida pa ako. Idi-disable ko yung hearing ko. Para makita ng mga tao na hindi kailangan maging perpekto para maging awesome. Na kahit may kakulangan ka, pwedeng maging buo ang pagkatao mo.

GOD: Grabe sya oh… Galing! I’m so proud of you, CJ… O sige, mag-teleport ka na.

And the rest is history…

Kaya great souls sila. Mga PWD, pati na rin yung iba pang may “special” conditions na kakaiba sa normal na tao (autism, down syndrome, ADHD, atbp.) Dahil hindi madali ang pinili nilang human experience. Sila mismo nalimutan nila na pinili nilang mag-take ng “special” course dito sa Earth school. Mahalaga ang life lessons na gusto nilang matutunan dito. At higit na mas mahalaga ang life lessons na itinuturo nila sa atin.

Life Lesson #1: Magpasalamat sa kung anong meron ka.

Hindi ko maimagine ang walang naririnig. Try ko ha…

.

.

.

WAAAAAAAAAAAAA… Wala akong makita!

Ay, blind pala ‘yun.

Kaw na lang, try mo… Mag-suot ka ng noise-cancelling headphones, tapos manood ka ng movie nang naka-mute… Parang ganun yung na-eexperience ng deaf, mas matindi pa.

‘Di ba? Blessed tayo dahil nakakarinig tayo. Namnamin natin ang lahat ng biyayang dala ng pagkakaroon ng maayos na pandinig. Kahit siguro yung nakakabinging ingay ng mundo ipagpapasalamat natin dahil nakakarinig tayo.

Ano pa yung mga biyayang meron ka na pwede mong ipagpapasalamat?

Life Lesson #2: Bahala ka sa buhay mo.

Nang maglabas ng sama ng loob si CJ sa mama nya, sabi nya miserable raw ang buhay nya. At sinisisi nya mama nya sa kanyang kalagayan. Naging suicidal pa sya sa puntong yun. Matindi na yung suffering nya kaya para matapos na yung paghihirap nya, naisip nyang wakasan na rin ang buhay nya.

Tulad ni CJ, meron rin tayong dahilan para tawaging “miserable” ang buhay. May dahilan rin tayo para manisi ng ibang tao sa ating sitwasyon.

Pero sana ma-realize natin na meron rin tayong dahilan para tawaging “blessing” ang buhay na pinagkaloob sa atin. At kung kaya nating manisi, kaya rin nating magpatawad.

Tayo ang pipili nun. Kahit anuman ang kalagayan natin sa buhay, nasa atin ang desisyon kung magiging “miserable” o “blessing” ito.

Life Lesson #3: Hindi ka pinaparusahan ng Diyos.

Kung “miserable” yung napili mo… is that your final answer?

Kasi may follow-up statement pa tayo dyan: Hindi ka pinaparusahan ng Diyos.

Balikan mo yung dialogue sa Heaven ni God at ni CJ… Hindi yung DOTA! Yung tungkol sa mission…

Paano kung yung kundisyon mo, yung sitwasyon mo sa buhay ay bahagi ng ginagampanan mong mission dito sa Earth???

Paano kung para sa’yo “miserable,” pero para sa ibang tao “blessing” sa kanila ang buhay mo???

Hindi ka pinaparusahan ng Diyos.

Hindi ka rin Nya sinusubukan, dahil wala kang kailangang patunayan sa Kanya.

…Pero baka dito sa Earth meron: Na sa kabila ng iyong kakulangan, ikaw ang magiging patunay sa buong pagmamahal na binibigay ni God nang walang kundisyon.

Life Lesson #4: Hindi ka nag-iisa.

Naiiba ka, pero hindi ka nag-iisa. Dahil maraming nagmamahal sa’yo.

Yung pamilya mo, yung mga kaibigan mo, yung mga taong nagmamahal sa’yo… hindi man nila naiintindihan ang sitwasyon mo, ipinaparamdam pa rin nila ang kanilang pagmamahal sa’yo sa paraang alam nila.

At yun ang talagang kailangan mo. Yung maramdaman ang pagmamahal nila, hindi yung maintindihan ka.

Si CJ, na-realize nya na naging self-centered sya masyado. Nakikita nya lang yung sarili nya, yung sitwasyon nya. Hindi lang sya bingi, nabulag rin sya. Pero nung namulat yung isip nya at nakita nya yung bigger picture, nung pinili nya yung “blessing,” dun nya naramdaman yung pagmamahal sa kanya ng mama at papa nya.

Ang pagmamahal, hindi kailangang maintindihan. Kailangan yun maramdaman.

Life Lesson #5: Kung love mo, iparamdam mo.

Wag nating piliting intindihin yung ibang tao. Pero kahit hindi natin sila maintindihan, ang magagawa natin ay patuloy na iparamdam sa kanila ang ating pagmamahal. At hindi natin yun magagawa kung kokontrolin natin yung buhay nila.

Yun naman ang na-realize ng mama ni CJ. Wala namang question sa pagmamahal nya kay CJ. Pero sa kagustuhan nyang proteksyunan ang kanyang anak, pakiramdam ni CJ ay lalo lang lumiit ang mundong kanyang ginagalawan.

Bigyan natin ng space yung minamahal natin. Lawakan natin hangga’t kaya. Kasi dun sa space na yun nag-go-grow ang love.

Life Lesson #6: Kung dream mo, abutin mo.

Napakahusay mag-drawing ni CJ! Pinangarap nya nung bata pa sya na makagawa ng sarili nyang children’s book. Sinundan nya yung pangarap nyang yun. Kaya ginusto nyang kumuha ng kursong arts sa UP para topnotch ang quality ng education.

Kaso eto ang hamon: Hindi special school for PWD ang UP. Hindi uso ang sign-language dun. Parang alien tuloy si CJ sa school. Maayos naman ang pagtanggap at pakitungo sa kanya, kaso ang laking hadlang ng communication barrier.

Pero dahil mas malaki ang pangarap ni CJ, lahat ng hadlang lumiit, nagawan ng paraan. Naniwala si CJ na kaya nya. Naniniwala rin ang mama’t papa nya sa kanya. Todo-suporta!

Sa huli, nagtapos pa nang cum laude si CJ. At ang highlight? Na-publish ang kanyang children’s book! Layunin daw nung libro na magsilbing tulay para sa mga bingi at nakakarinig. Mission accomplished! 😎

Si CJ ang magandang huwaran ng PWD – Person With Disabilities Dreams. Meron syang hearing disability, pero meron rin syang dreams. At sa pag-abot ng kanyang pangarap, pinakinggan nya ang kanyang puso na laging nagsasabing:

PuWeDeeeeee!!!”

 

 


PS: Gusto mo bang makasagap pa ng inspiring na chismis? Kung OO, fill-up ka lang dito:

Pwede na kahit nickname lang

Facebook Comments

Published inLessons

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.