Skip to content

Ganito Kami Noon: Nangangaroling

“Thaaaank you… Thaaaaank you… Ang babait ninyo, thank you!”

Sounds familiar?

Ngayon, bihira mo ng maririnig ang mga tinig na yan sa lansangan kapag magpa-pasko. Noon, walang kupas yan. Kahit ilang beses na pinatawad taon-taon, ginagawa pa rin naming mga bata ang nakasanayan ng tradisyon tuwing kapaskuhan – ang pagka-caroling.

Kung sa ordinaryong araw ay uwian na pagkatapos ng laro, sa panahon ng kapaskuhan ay walang curfew. Sabagay, wala naman talaga kaming curfew noon. Parang meron lang, kasi yung mga bata nasa loob na ng bahay bago mag alas-siyete. Pero dahil may jamming pa sa kalsada, parang bumabagal ang oras sa gabi.

Magtitipon ulit kaming magkakaibigan1 sa tagpuan dala ang malulufet naming musical instruments – ang tambol na lata, yung kakaubos lang na Nido, at ang tambourine na yari sa mga pinitpit na tansan. Pwede yung sa softdrinks, pero malamang na mas marami kang makukuha sa mga natunggang bote ng beer.
1 Usually, dalawa lang kami.

At dahil ilang taon rin akong nakahawak ng tansan tambourine, hindi ko na ito ituturo sa nyo. Pero mabibigyan ko kayo ng ilang tips para maging malufet ang inyong caroling experience:

Caroling Tips

  1. Limitahan ang caroling members sa tatlo: isang tapat na kaibigan, ikaw, at yung kapatid mo. Mas konti, mas malaki ang partihan sa koleksyon. Mas malaki mapupunta sa nyo kasi may kapatid ka. Sige, pwede rin magsama ng isang pinsan, basta kamag-anak para lamang pa rin sa hatian. Yung isasamang kaibigan, siguraduhing matapat para hindi ka malamangan.
  2. Abisuhan nang mas maaga yung mga kalaro. Magpa-reserve ka na kumbaga. Gumamit ng matatamis na salita para mas mataas ang tyansang malaki ang makukubra mo. Huthutan mo na, “Uy, ‘lam mo, may nagkaka-crush sa’yo… mamaya mangangaroling kami sa nyo para makilala mo siya…” Dito ka matutulungan ng pinsan mo.
  3. Gumawa ng caroling schedule plan. ‘Wag araw-arawin ang mga kapit-bahay para hindi rin kayo gabi-gabi patatawarin. Remember, Christmas is a time for forgiveness. And forgiveness is the key to happiness. So, hindi naman talaga sila barat, timing lang. Tsempuhan nyo yung mga kakagaling lang ng simbang-gabi.
  4. If forgiveness is the key, we are the doorbell. Ibig sabihin, ipagbigay alam sa may bahay na nangangaroling kayo. No awareness, no change. At sundin ang pattern ng interlude kada dalawang kanta. Parang katulad yan sa videoke, merong “Are you having fun?”
    Sample: Ang pasko ay sumapit… Tayo ay mangagsi-awit… (Are you having fun?)
  5. Gumawa ng priority list. I-prioritize ang mga bahay na bongga sa Christmas lights at decors. Unahin yung mga may electronic parol at may mga Christmas statues o figurines sa labas ng bahay tulad ng belen with the angels, o yung lifesize na Santa Claus with his reindeers. Malaki bigayan dyan. Kung tanaw yung loob ng bahay, sipatin nyo rin kung may Christmas tree. Pasok rin sila sa listahan.
  6. ‘Wag maintimidate sa mga bahay na may nakalagay ng karatulang “Beware of Dogs” sa kanilang gate. Take the risk! Dahil kung may breed yung dogs, ideal candidate yung may bahay. Tiyak na tatahulan kayo nung dogs nila. Pero dahil masakit sa tenga yung kahol ng aso, tapos nasamahan pa ng boses nyo, aba’y baka hindi nyo pa tapos yung unang kanta e bigyan na kayo ng Aguinaldo2.
    2 “Aguinaldo” is a Spanish word for gift or bonus… Ngayon ko lang rin nalaman.

Ngayong nailatag na natin ang pundasyon para sa malufet na caroling experience, alamin naman natin ang walang kamatayang caroling playlist na naka-record na sa tradisyon ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa Pilipinas. At bilang pagbibigay-pugay sa tradisyon na ito, sundan maigi ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga awitin.

Pag-pindot ko ng Play, sabayan mo ako3.
3 Kunwari daw ikaw yung kaibigan ko. Tapos kunwari rin isa kang tapat na kaibigan.

Ooops! Wala pa… Power pa lang yung pinindot ko… Syempre, pipindutin muna natin para ma-turn ON.

At pag-play ko, may silent delay pa ng 3 seconds ha.

Play (3… 2… 1…)

Sa may bahay ang aming bati
Merry Christmas na maluwalhati
Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Pasko lagi

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng Aguinaldo
Kung sakaling kami’y perwisyo
Pasensya na kayo kami’y namamasko

***

We wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas
and a Happy New Year

***

Interlude: Tao po, nangangaroling po…

***

Bago sumapit ang Pasko
Namimili ang Mommy ko
ng mga panregalo
para sa araw ng Pasko
At itong aking Daddy
gumagawa ng Christmas tree
Sasabitan ko naman
ng laruan at mga candy
Ito’y laging nagniningning
pagsapit ng gabi

Sa tunay na buhay, kadalasan yan na yung “make or break” caroling song. Break, kung narinig mo yung “Patawad,” o kaya “Patatawarin.” At mas nakaka-hurt yung dedma lang, parang walang naririnig. Kapag ganun, move on na lang sa susunod. Pero kung make, yan naman yung tipong pagbubuksan ka pa ng ilaw sa labas at maririnig mo yung langitngit habang binubuksan ang pinto. Parang pinagbuksan ka na rin ng pintuan ng langit. Hallelujah!

Maganda na rin yung lagi kang handa para hindi ka maubusan ng kanta. Kaya naman meron tayong side B. Medyo ni-remix ko na nang konti yung kanta:

Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro’ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba’t iba

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro’n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko

***
Pasko! (Paksiw!)
Pasko! (Paksiw!)
Pasko na namang muli!
Tanging araw na ‘ting pinakamimithi

Pasko! (Paksiw!)
Pasko! (Paksiw!)
Pasko na namang muli!
Ang pag-ibig naghahari!

Yan ang tinutukoy ni Jose Mari Chan sa kanyang linya na “And may the spirit of Christmas be always in our hearts” – Love. Dahil kung si #Love ang maghahari, si #Happiness ang magrereyna.

 

Maligayang Pasko po!
😀 😍 😆

 


Ang babasahing ito ay hinugot sa Ganito Kami Noon, ang naisulat kong libro na tungkol sa Batang 90’s, sa pagtupad ng mga pangarap, at sa #Happiness. Balitaan kita pag napublish na.  😀

Facebook Comments

Published inStory

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.